News Releases

English | Tagalog

Drag queen na si Viñas Deluxe, bahagi na ng Tarsier Records

January 26, 2023 AT 10:28 AM

Tarsier Records introduces new drag artist Viñas Deluxe

Drag queen Viñas Deluxe is now a recording artist

Tarsier Records, pangungunahan ang Drag Pop music sa bansa
 
Ang tinaguriang “Drag Pop Misis” na si Viñas Deluxe ang pinakabagong drag queen na ngayon ay recording artist na rin sa ilalim ng Tarsier Records.
 
Kilala rin bilang ‘pambansang bunganga’ ng “Drag Race Philippines”, si Viñas ay nakatakdang maglunsad ng kanyang mga awitin sa nasabing ABS-CBN record label. Sinundan nito si Marina Summers, isa pang drag queen na naglunsad ng awiting “Divine” noong Nobyembre.
 
Ang exciting na development na ito ay kaugnay sa pagnanais ng Tarsier Records na palaganapin ang drag pop genre sa bansa simula ngayong 2023 tampok sina Marina at Viñas na nagnanais ibahagi ang kanilang galing sa musika.
 
“This year, one of our hopes for the label is to champion drag pop not just as a genre, but as a movement, in collaboration with these multi-talented queens,” sabi ni Tarsier Records label head Marey Garcia.
 
Excited naman si Viñas na simulan ang kanyang music career sa pagsisimula ng bagong taon.
 
Aniya, “This is the beginning, signing into ABS CBN Music through Tarsier Records is a very big step sa aking music career. Soon, makikita niyo po akong magrelease ng singles.”
 
Sinabi rin ng bagong myembro ng Tarsier Records family na katuparan ng isang childhood dream ang maging mang-aawit.
 
“Bata pa lang ako want ko ng gumawa ng song. Frustrated ako dahil hindi ako marunong ng instrument at sumulat,” kwento niya. “Now na may tumulong sakin, sobrang nafulfill ng childhood dream na iyon. Doon ko narealize na hindi ko need gawin lahat, need ko lang ng tamang tao na tutulong sakin.”
 
Nakatakdang magbigay ng patikim si Viñas sa kanyang unang single na “I’m Feeling Sexy Tonight” na ilalabas ngayong Biyernes (Ene. 27). Ang awitin ay revival ng 80s hit na may modern twist at mensahe na maging masaya at magkaroon ng tiwala sa sarili.
 
“I found this track very empowering dahil kahit ano man ang aking shape at itsura, if you feel sexy, magiging sexy ka because no matter how I look, if I feel sexy, I will be sexy. It’s all about confidence. Gusto kong impart sa mga nakakarining na may lalim yung song na ito,” saad ni Viñas.
 
Abangan ang unang patikim sa musika ni Viñas na “I’m Feeling Sexy Tonight” na ilalabas ngayong Biyernes (Ene. 27), sundan ang Tarsier Records sa FacebookTwitterInstagramTiktok, at YouTube.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE