News Releases

English | Tagalog

"Darna," trending sa pagkamatay ni Valentina sa isang pagsabog

January 27, 2023 AT 06:33 PM

Hindi makapaniwala si Darna (Jane De Leon) sa pagkamatay ni Valentina (Janella Salvador) sa “Mars Ravelo’s Darna” pagkatapos niyang ilantad ang sarili sa dating matalik na kaibigan para iligtas si Ding (Zaijian Jaranilla). Sa January 26 episode ng programa na nagtrending sa Twitter gamit ang topic na Regina, Valentina, at #DarnaStrongAsEver, naging biktima ng pagsabog si Valentina na hatid ng super soldiers ni Heneral Borgo (Richard Quan). Abangan ang makamandag niyang pagbabalik sa “Darna,” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.