News Releases

English | Tagalog

Carlo Bautista, naglabas ng rock remake ng "Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong"

January 31, 2023 AT 01:30 PM

Carlo Bautista drops alternative rock rendition of "Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong"

Carlo Bautista delivers his own rock twist to the emotional song "Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong"

Binigyan ng alternative rock twist ni dating “Idol Philippines” season 1 contestant Carlo Bautista ang hit song na "Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong."
 
Unang inawit ni JM de Guzman ang kanta mula sa komposisyon ni Kyle Raphael Borbon na nagwagi bilang Best Song sa “Himig Handog 2018.” Dala ng awitin ang mensahe ng pighati at sakit na dulot ng pag-ibig.
 
Sa tulong ng music producer na si Darwin Hernandez, binigyan ng kakaibang atake ni Carlo ang awitin na swak pang-senti o hugot moments.
 
Bilang pop-alternative singer at songwriter, nakilala si Carlo sa kanyang awitin na "Puro Laro," na naging bahagi ng IWantTFC series na "Mga Batang Poz,” at “Kwarto.” Bukod pa rito, nag-record din si Carlo ng music demos para sa hitmakers tulad ni Gary Valenciano at sumali rin siya sa singing competition ng “It’s Showtime” na “Tawag ng Tanghalan” noong 2018.
 
Damhin ang senti vibes sa bagong bersyon ng "Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong" na napapakinggan sa iba't ibang music platforms at panoorin ang visualizer nito na available sa ABS-CBN Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE