News Releases

English | Tagalog

Inilunsad ng ABS-CBN ang Tuloy Canada, isang gabay para sa mga bagong dating sa Great White North

February 02, 2023 AT 12:48 PM

ABS-CBN launches Tuloy Canada, a newcomer’s guide to the Great White North

The online guide provides important to-dos to survive in a new country.

TORONTO, CANADA, Pebrero 2, 2023 – Maaaring excited ang mga bagong-dating sa Canada na galing sa ibang bansa. Makakabisita sila sa mga magagandang lugar panturista tulad ng Niagara Falls, CN Tower, The Parliament, at marami pang iba. Maaari nilang subukan ang pagkain na katangian ng lugar tulad ng poutine, Tim Horton's, maple syrup, at ketchup chips, upang pangalanan ang ilan. Ang kagalakan ay nakalalasing sa mga unang ilang linggo, hanggang sa panahon na para harapin ang katotohan ng pagtira sa bagong bayan.
 
Ang Pagharap sa mga Hamon ng Pamumuhay sa Bagong Bansa
Kaya naman nariyan ang Tuloy Canada, isang online na gabay para sa mga bagong dating mula sa Pilipinas at mula sa ibang mga bansa, na nagbibigay ng mahalagang impormasyon sa heograpiya, klima, trabaho at mga pagkakataon sa edukasyon, at mga serbisyo ng gobyerno ng Canada. Nag-aalok din ito ng payo kung paano makahanap ng trabaho sa Canada, maghanap ng abot-kayang pabahay, at maunawaan ang lokal na kultura.
 
Ang Tuloy Canada ay nagbibigay rin mga tip ukol sa pagsakay ng mga tren at bus, at marami pang iba. Kasama na rin dito kung paano magbukas ng bank account at makakuha ng social insurance number, health card, driver’s license, at kung paano maghanap ng paaralan para sa mga may mga anak.
 
Ayon sa Managing Director ng ABS-CBN para sa North at Latin America na si Jun Del Rosario, ang proyektong Tuloy Canada ay "bahagi ng aming patuloy na misyon na pagsilbihan ang Pilipino saan man siya naroroon." Katulad ng pamilya Sim.
 
Dumating si Rain Sim kasama ang kanyang asawang si Melody at ang kanilang tatlong taong gulang na anak na si Jacob noong Agosto. "Ito ay isang malaking pag-aadjust," pag-amin ni Sim. Maginhawa ang buhay ng mag-asawa kung saan pareho silang nagtatrabaho bilang mga manager at meron na silang kotse. Isinuko nila ang buhay na iyon para lumipat sa Canada kung saan nag-bu-bus lamang sila at nagtratrabaho sa entry-level na posisyon.

Ayon kay Del Rosario, makikipag-ugnayan ang ABS-CBN sa Immigration Canada at iba pang grupo ng gobyerno at non-government para madagdagan pa ang mga kaalaman at tulong na maibabahagi, at para patuloy na mag-update ng impormasyon sa site ng Tuloy Canada.
 
Ang mga Pilipinong bagong dating sa Canada ay maaari ding makakuha ng mga libreng regalo kapag nag-sign up sila, tulad ng isang buwang libreng subscription sa iWantTFC, para makasabay sila sa kanilang mga paboritong palabas sa Pilipinas.
 
Ang Tuloy Canada ay isang napakahalagang gabay para sa mga nais na gawing bagong tahanan ang Canada.
 
Hinihikayat ang mga bagong dating sa Canada na ibahagi ang kanilang mga kuwento o magbigay ng feedback at iba pang mahalagang payo o tip sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa TFCMarketing@abs-cbn.com
 
Maaaring ma-access dito ang buong ulat ng ABS-CBN News sa programang Tuloy Canada. Pumunta sa myTFC.com/TuloyCanada para sa karagdagang impormasyon.
 
###
 
Media Contact
Pia Lopezbanos-Carrion
Corporate Affairs & PR
ABS-CBN International
www.myTFC.com
pia_lopezbanos@abs-cbn.com