News Releases

English | Tagalog

The CompanY, ilulunsad ang "Gitna" album sa Pebrero 5

February 02, 2023 AT 11:57 AM

The CompanY holds "Gitna" album launch on Feb. 5

The group will also stage a Valentine's concert dubbed "Open Hearted" on Feb. 14 at the Music Museum.

“Open Hearted” concert ng grupo, magaganap sa Valentine’s Day
 
Opisyal nang ilulunsad ng The CompanY ang kanilang latest album ngayong Pebrero habang naghahanda rin sila para sa kanilang concert na magaganap sa Valentine’s Day.
 
Mapapanood ang premiere vocal singing group ng bansa na kinabibilangan nina Annie Quintos, Moy Ortiz, OJ Mariano, at Sweet Plantado sa Linggo (Pebrero 5) sa Ayala Malls The 30th para sa “Gitna” Grand Album Launch kung saan magiging available ang special edition CD format ng kanilang 29th studio album.  
 
 “It’s no secret that most Filipinos are natural singers. It’s because of this that we decided to release the minus one/ backing tracks of half of the ‘Gitna’ album so that it gives our audience a chance to sing lead vocals on these beautiful OPM songs,” sabi ni Moy.
 
May 10 original at remake na kanta na nakapaloob sa “Gitna” album. Kabilang dito ang mga awiting “Ambon,” “Disco Plantito, Disco Plantita,” “Hideaway,” “Kumusta Ka,” “Sa May Bintana,” “‘Sang Tawag Mo Lang,” “Sukod Na,” “Sumakabilang Puso,” “Walang Sayang,” at ang title track na “Gitna.” 
 
 
Bukod dito, meron ding bonus track ang CD version ng album, ang remix ng “Disco Plantito, Disco Plantita” song na pinamagatang “Discoteca Pandemica” na nagbabalik sa makulay na panahon ng disco.
 
“So the minus ones and the bonus remix make ‘GITNA’ CD album a very special collectible for OPM lovers and audiophiles alike,” dagdag ni Moy.  
 
Ibibida rin ng The CompanY ang kanilang trademark vocal harmony sa “Open Hearted” Valentine’s concert sa Music Museum sa Pebrero 14 (Martes). Syempre, ka-abang-abang ang pag-awit nila ng kanilang hits mula sa mga nagdaang dekada at ilang tracks mula sa bagong album na ini-release sa ilalim ng Star Music. Makakasama nila rito sina Davey Langit at Nica Del Rosario bilang guests.
 
Available ang tickets sa “Open Hearted” sa ticketworld.com.ph at pwede ring tumawag sa The Music Museum sa 09175130909 o (02)87216726. Mabibili ang tickets sa halagang 3,000 (orchestra center), P2,000 (orchestra side), at P1,000 (balcony). Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE