News Releases

English | Tagalog

CESCA, Kice, inawit ang soundtrack ng "Dirty Linen"

February 20, 2023 AT 01:43 PM

Ang “Idol Philippines” season 2 third placer na si Kice at baguhang singer-songwriter na si CESCA ang umawit ng official theme songs ng patok na ABS-CBN revenge-drama series na “Dirty Linen” na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Seth Fedelin, at Francine Diaz. 

 
Si Kice ang nagbigay-buhay sa power ballad na “Simulan,” na una niyang kinanta nang live sa grand media conference ng serye. Si CESCA naman ang nagbigay ng magandang rendisyon sa awiting “Kung Makakapili Lang” na naririnig kapag may nakakakilig na eksena ang FranSeth tandem na kinabibilangan nina Francine (Chiara) at Seth (Nico).
 
Tungkol sa pagpili na magmahal ang “Simulan” na naghahatid ng pag-asang maghihilom ang anumang sugat sa pamamagitan ng pag-ibig. Sina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo, Star Pop label head Rox Santos, at Edmund Perlas ang sumulat ng kanta.
 
Kwento naman ng pag-iibigan ng dumaraan sa pagsubok dahil sa magkaibang antas sa buhay ang “Kung Makakapili Lang” na isinulat din ni Jonathan kasama ang Kapamilya artist na si Trisha Denise.
 
Unang nakilala ang singer-songwriter na si Kice sa “Idol PH” season 2. Nakatakda na rin niyang pasukin ang pag-arte sa upcoming series na “Linlang.”
 
Isang visual at multimedia artist naman si CESCA na naglabas ng kanyang debut single na “Lovesick (Pagmahalasakit)” na nagsilbing daan para pangunahan niya at maging cover siya ng Fresh Finds playlist ng Spotify Philippines. Inilabas niya rin ang sophomore single na “Pambihirang Harana” noong nakaraang taon.

Pakinggan ang “Simulan” ni Kice at “Kung Makakapili Lang” ni CESCA sa Star Music YouTube channel at isa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.