News Releases

English | Tagalog

Gigi de Lana at the Gigi Vibes, handa nang mag-'rock and rule' sa "G Rules" concert

February 06, 2023 AT 05:17 PM

Gigi de Lana and The Gigi Vibes to rock and rule in "G Rules" concert

"G Rules" is happening at The Theatre at Solaire on Feb. 18 at 8 pm.

Magpapasiklab si Gigi De Lana at ang The Gigi Vibes band sa kanilang "G Rules" concert na magaganap sa The Theatre at Solaire ngayong Pebrero 18 (Sabado), 8pm.
 
Matapos ang matagumpay na "Domination Tour" sa Manila, Middle East, at U.S., handog nina Gigi at kanyang bandmates na sina Jon Cruz (musical director, keyboard), Jake Manalo (bass), Julius Traqueña (guitar), at Romeo Marquez (drums) ang exciting na live performances ng kanilang sikat na original songs at covers na nag-viral sa social media.
 
“Actually we wanted it to be as intimate as possible, yung abot kamay lang nila kami,” kwento ni Gigi tungkol sa nalalapit na event. “It will be something new, tampok ang mixed emotions sa show namin. And syempre hindi mawawala ang kulitan.”
 
Inilabas ng Star Magic talent at Rise Studio artist na si Gigi ang kanyang self-titled debut album na umani ng mahigit 3.9 milyong streams sa Spotify noong nakaraang taon. Tampok sa album ang hit song na “Sakalam” at ang key track na “O Bakit Ba.”
 
Ilan pa sa mga awitin ng album ay ang soundtrack ng iba't ibang serye ng ABS-CBN tulad ng "Akin Ka Na Lang" ng "A Family Affair," "Sa Dulo" ng "The Broken Marriage Vow," at "Nasa'yo Ako" ng "Viral Scandal." Kasama rin sa album ang bersyon ni Gigi ng "Bakit Nga Ba Mahal Kita" na naging official theme song ng "Hello Heart" na kanyang pinagbidahan kasama si Gerald Anderson.
 
Samahan si Gigi at ang The Gigi Vibes sa "G Rules" concert handog ng ABS-CBN Events at Solaire Resort Entertainment City. Available ang tickets na nagkakahalaga ng P6,480 (SSVIP), P5,400 (SVIP), P3,780 (VIP), P3,240 (Gold), P2,160 (Lower Balcony), at P1,620 (Upper Balcony) sa ticketworld.com.ph at Solaire Box Office. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.
 
Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom. Maari ring bumisita sa website ng Solaire Resort Entertainment City sa www.solaireresort.com o sundan ang @solaireresort sa Facebook, Instagram, at Twitter.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE