News Releases

English | Tagalog

BGYO, magpapasiklab sa "Be Us" 2nd anniversary album showcase sa Skydome

March 15, 2023 AT 03:44 PM

BGYO marks 2nd anniversary with "Be Us" album showcase at Skydome

BGYO celebrates their second anniversary with "Be Us" album showcase live at Skydome this May 12.

Magdiriwang kasama ang ACEs sa darating na Mayo 12

Ipagdiriwang ng BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang kanilang second anniversary sa “Be Us” album showcase at fan con na gaganapin sa SM City North Edsa Skydome ngayong Mayo 12 (Biyernes).

Naging matagumpay ang kanilang album na “Be Us” na umani na ng higit sa 4.3 milyon streams habang umabot naman sa 1 milyon streams ang mga awitin na “Magnet” at 1.5 milyon streams “Tumitigil Ang Mundo.” Nanguna rin ito sa iTunes Philippines album chart pati na rin sa iba’t ibang bansa tulad ng Hong Kong, Saudi Arabia, Singapore, at United Arab Emirates.

Maaaring mabili ang “Be Us” second anniversary album showcase tickets sa SM Tickets sa halagang P2,500 (VVIP), P2,000 (VIP), at P1,000 (regular).

Naghihintay pa ang isang sorpresa para sa fans ng BGYO na tinatawag na ACEs dahil available na for pre-order ang “Be Us” album box set sa halagang P1,999. Kasama sa laman ng album box set ang CD, lyric booklet, random mini standee, photocard set, pop grip, at ACEs pin. Maaari naman makakuha ng P200 discount voucher ang mga nag-pre-order ng “The Light” noong nakaraang taon. Dagdag pa rito, ang pre-order ng album box set ay magsisilbing ticket para sa fan meet-and-greet kasama ang BGYO.

Samantala, samu’t saring papuri ang natanggap ng BGYO leader na si Gelo dahil sa kanyang 2x2 ID picture na ipinost ng isang fan sa Twitter habang ni-like naman ng BTS ang TikTok video ng main dancer na si Nate matapos magpakitang gilas sa kanyang dance cover ng “on the street” nina J-Hope at J. Cole.

Kasalukuyang nagsasagawa ng mall show tour ang tinaguriang “Aces of P-Pop” kung saan naghatid ng tuwa at excitement ang grupo sa Marquee Mall, Pampanga at sa The District Imus, Cavite noong Marso 4 at 5. Muli nilang pasasayahin ang “ACEs” ngayong Marso 26 sa Ayala Malls Feliz, Pasig.

Makisaya sa “Be Us” second anniversary album showcase sa darating na Mayo 12 (Biyernes) sa SM City North Edsa Skydome. Para sa ibang detalye, sundan ang @bgyo_ph sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at mag-subscribe sa kanilang YouTube channel, BGYO Official

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr on Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.