News Releases

English | Tagalog

DonBelle, Franseth, at iba pang young stars tampok sa "Star Magical Prom" sa Marso 30

March 17, 2023 AT 11:30 AM

Kauna-unahang prom ng Star Magic, mapapanood sa YouTube

Isang gabing puno ng saya at pagmamahal ang handog ng Star Magic para opisyal na ipakilala sa publiko ang pinakabagong mga miyembro ng kanilang pamilya sa kauna-unahang “Star Magical Prom” na gaganapin sa Marso 30. 

Mala-’debut’ na selebrasyon ang magsisilbing pag-welcome sa top young at rising stars na nais maabot ang kani-kanilang mga pangarap bilang artistang may “Tatak Star Magic.” Imbitado rin online ang fans dahil mapapanood ang red carpet at prom night event sa YouTube channel ng Star Magic. 

Paniguradong mapupuno ng kilig ang “Star Magical Prom” dahil makakasama rito ang ilan sa pinakapinag-uusapan na love teams tulad nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, “Fractured” stars na sina Francine Diaz at Seth Fedelin, pati na rin ang bida sa “Drag You and Me” na si Andrea Brillantes.

Kaabang-abang din ang pagrampa sa kanilang debut ang “Dirty Linen” cast members na sina Xyriel Manabat, Sean Tristan, Raven Rigor, Rans Rifol, at CJ Navato, “Teen Clash” stars na sina Jayda Avanzado, Aljon Mendoza, Kobie Brown, Andi Abaya, at Bianca de Vera, at dating  “PBB” housemates na sina Karina Bautista, Anji Salvacion, at Shanaia Gomez.

Makikisaya rin ang P-pop sibling groups na BINI kasama ang mga miyembro nilang sina Gwen, Stacey, Mikha, Maloi, Colet, Aiah, Jhoanna, at Sheena, at BGYO nina Nate, Gelo, JL, Akira, at Mikki, pati na rin ang global pop group na Hori7on. Kabilang din sa prom night ang promising stars na sina AC Bonifacio, Gillian Vicencio, Louise Abuel, Daniela Stranner, at Angela Ken. 

Bukod sa chikahan at sayawan na magaganap sa prom, dapat ding abangan ng viewers ang pagpapakilala sa pinakabagong Star Magic group, ang Sweet 16 at Debutantes portions, at ang pag-award ng fan-favorite na “Prom King and Queen.”

Para sa iba pang detalye tungkol sa “Star Magical Prom,” sundan ang Star Magic sa FacebookTwitterInstagramTikTok, and YouTube. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang  www.abs-cbn.com/newsroom