News Releases

English | Tagalog

Jamie Rivera, pangungunahan ang bagong Inspire Music label

March 28, 2023 AT 05:37 PM

Jamie Rivera leads new record label Inspire Music

Jamie Rivera leads a new breed of talent as she heads ABS-CBN's new label Inspire Music.

Kantang “3 in 1,” mapapakinggan na simula Marso 31

May kapana-panabik na papel na gagampanan si Jamie Rivera bilang head at creative consultant ng Inspire Music, ang bagong record label ng ABS-CBN Music at una nitong handog ang awiting “3 in 1” na ilulunsad na ngayong Biyernes (Marso 31).

Isang upbeat song ang “3 in 1” na may reggae vibe at tungkol sa ligayang nararamdaman sa pagtitiwala sa Holy Trinity, o ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.

“The song is perfect for anyone looking for something fun and new this summer to dance to, or even for use when people gather to celebrate and pray together,” ayon sa Inspirational Diva na siya ring sumulat ng kanta.

Kasama rin bilang featured artists ang mga batang sina Imogen at “The Voice Kids” season 5 contestant Fabio Santos sa napapanahong awitin.

“Ang gagaling nung mga bata and they were able to give justice to the song. We collaborated with them so that more children will relate to ‘3 in 1,’” ani Jamie.

Ang  “3 in 1” ang kauna-unahang kanta na iprinodyus sa ilalim ng Inspire Music, ang ABS-CBN Music label na tututok sa paggawa ng mga inspirational music para maghatid ng pag-asa at malasakit sa mga makikinig.

Paliwanag ni Jamie, “Inspire Music is about inspiring people from all walks of life—to be inspired by the melody, by the lyrics, by the music.”

Bukod sa pagtutok sa music production, gagabayan din ni Jamie ang iba’t ibang ABS-CBN artists na nakatakdang mag-rekord ng musika sa ilalim ng bagong label.

Si Jamie ang nasa likod ng iba’t ibang sumikat na inspirational at makasaysayang kanta, katulad ng “Heal Our Land,” “Jubilee Song,” “Only Selfless Love,” “Tell the World of His Love,” at “We Are All God’s Children.” Ang tanyag na mang-aawit din ang nagbigay buhay sa official mission song na “We Give Our Yes” ng 500 Years of Christianity celebration sa bansa noong 2021.

Mapapakinggan na ang “3 in 1” ni Jamie simula Biyernes (Marso 31) sa iba’t ibang streaming platform at abangan ang mga susunod pang musika na ilulunsad ng Inspire Music label. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE