News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN 'YouTubeverse' may bagong shows sa Kapamilya Online Live, "Made for YouTube," at Superview

March 03, 2023 AT 01:17 PM

Tampok ang DonBelle, Sam, Catriona, at Star Magic prom

Mas pinalaki at mas pinasaya ang Kapamilya experience sa ‘YouTubeverse’ dahil sa bagong YouTube shows sa Kapamilya Online Live, “Made for YouTube,” at Superview na handog ng ABS-CBN Entertainment, ang numero unong YouTube channel sa media and entertainment category sa Southeast Asia na may 42.7 milyong subscribers.

Matatagpuan sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel ang Kapamilya Online Live kung saan patuloy na tinututukan ng mga Pinoy ang kapanapanabik na mga teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo,” “The Iron Heart,” at “Dirty Linen” matapos itong magtala ng pinagsama-samang 189,106,381 total digital views noong Pebrero 2023.

Bukod sa Kapamilya primetime shows, napapanood din sa YouTube ang “The Voice Kids” at ang upcoming bagong season ng “I Can See Your Voice.” Available ang lahat ng ito sa Kapamilya Online Live na may libreng livestreaming at on-demand viewing na pwedeng ulit-ulitin ang episodes sa loob ng pitong araw.

Good vibes at aliw ang hatid naman ng bagong “Made for YouTube” shows tulad ng “Pampered Pets” kung saan ikukwento nina Catriona Gray, Sam Milby, Karen Davila, Tim Yap, at iba pang celebrity guests kung paano nila inaalagaan ang kanilang fur babies, at ang bagong handog ng Black Sheep na “Sparks Camp."

Kaabang-abang din ang mga bagong palabas ng Star Magic na eksklusibong mapapanood sa kanilang YouTube channel. Nariyan ang kauna-unahang “Star Magical Prom” at ang online interview show na “Tatak Star Magic Celebrity Conversations” tampok sina Andrea Brillantes, KD Estrada, at DonBelle. 

Iba’t ibang kwento naman ng saya at Pinoy adventures ang matututukan sa upcoming “Made for YouTube” shows na “Paano Two,” “Metro’s Most Beautiful Homes,” at “BGYO x BINI US Tour.” 

Bagong episodes naman ang mae-enjoy ng viewers sa YouTube shows na “Love Bites Season 2,” “Teen Clash Extras,” at “Dear MOR: Celebrity Specials,” pati na rin ang “GG-Han” kung saan available pa rin sa YouTube channel ng CineMo ang mga naunang episode nina Joshua Garcia, Jane de Leon, Janella Salvador, at Macoy Dubs.

Napapanood din nang libre sa iba’t ibang YouTube channel ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Superview ang mga paboritong pelikula ng mga Pinoy tulad ng “To Love Somebuddy,” “Just The Way You Are,” “Can’t Help Falling in Love,” “Always Be My Maybe,” at marami pang iba. 

Available ang lahat ng bagong online shows at movies na ito sa mas pinalawak na YouTube channels ng ABS-CBN kung saan matatagpuan ang “Made for YouTube” exclusive shows, libreng movies at series para sa Superview, at ang livestreaming at on-demand viewing ng mga Kapamilya show sa Kapamilya Online Live.

Mae-enjoy ang mga ito at maraming pang iba kapag nag-subscribe sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment, Star Magic, Metro, Cinema One, Cinemo, iWantTFC, Star Cinema, Jeepney TV, Yey, at Black Sheep.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE