News Releases

English | Tagalog

Primetime shows ng ABS-CBN, nakakuha ng 642 milyong views sa Kapamilya Online Live

May 23, 2023 AT 01:50 PM

“FPJ’s Batang Quiapo” at “The Iron Heart,” extended ng 14 araw ang unli-replay

Tutok na tutok pa rin ang mga manonood sa primetime shows ng ABS-CBN matapos itong magtala ng higit 642 milyong total views sa Kapamilya Online Live mula Pebrero hanggang Abril 2023. 

Para sa buwan ng Agosto, nakakuha ng pinagsama-samang 194 milyong views ang “FPJ’s Batang Quiapo,” “The Iron Heart,” at “Dirty Linen” sa Kapamilya Online Live sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, kung saan meron itong 36 milyong Facebook followers at 43.7 milyong YouTube subscribers. 

Mas madali naman at siguradong hindi mabibitin ang mga manonood sa pagsubaybay nila ng mga paborito nilang palabas dahil extended na ng 14 araw ang on-demand streaming ng latest episodes ng ilang ABS-CBN shows tulad ng “FPJ’s Batang Quiapo” at “The Iron Heart.”

Tutukan ang maaaksyong tagpo ni Tanggol (Coco Martin) sa “FPJ’s Batang Quiapo” sa pagsisimula niya ng bagong yugto ng kanyang buhay bilang isang mabuting tao kasama si Mokang (Lovi Poe). 

Samahan si Apollo (Richard Gutierrez) sa pagpapatuloy niya ng kanyang misyon na pigilan si Priam (Albert Martinez) at ang kanyang sindikatong Tatsulok sa hit seryeng "The Iron Heart."

Bukod sa dalawang primetime shows, makakapanood din ng hanggang 14 araw ang iba pang Kapamilya shows tulad ng “Magandang Buhay,” “It’s Showtime,” “I Can See Your Voice,” “The Voice Kids,” “ASAP Natin ‘To,” pati na ang mga minahal na teleseryeng “Be Careful with My Heart” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” at “A Soldier's Heart.”

Sa YouTube, tuloy-tuloy ang panonood ng Kapamilya Online Live simula umaga hanggang gabi habang sa Facebook naman ay may regular na timeslots ang lahat ng programa at may break sa pagitan ng timeblocks.

Tumuloy na sa online tahanan ng ABS-CBN shows, ang Kapamilya Online Live, at mag-subscribe na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at i-like ang Facebook page. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE