News Releases

English | Tagalog

Andrea magpapakabog sa "Drag You and Me" kasama sina JC at Christian

May 23, 2023 AT 02:10 PM

Mapapanood sa iWantTFC ngayong Pride Month

Rarampa na si Andrea Brillantes para sa pinakabonggang iWantTFC original series ngayong Pride Month, ang “Drag You and Me,” na pinagbibidahan din nina JC Alcantara at Christian Bables.

Isa itong modern family rom-com drama tungkol sa drag culture at ang paniniwalang “love is genderless” kaya mahalagang tanggapin ng mga tao ang iba’t ibang klaseng pagmamahal kahit anuman ang sekswalidad. 

Iikot ang kwento sa makulay na buhay ni Betty (Andrea) o kilala rin sa drag name niyang Valentine Royale, isang palabang babae at ang ultimate ally ng LGBTQIA+ community. Dahil gipit sa pera at para maisalba ang gay comedy bar ng kanyang pamilya, sasali si Betty sa Manila Queen Supreme, ang pinaka-engrandeng drag competition sa bansa, pero hindi nila alam na totoong babae si Betty at hindi talaga siya drag queen. 

Kakabugin ni Betty ang pagiging drag queen hanggang sa unti-unting mahulog ang loob niya kay Jason/Shania (JC), isang male-bisexual drag queen at ang pinakamalakas niyang karibal sa kompetisyon. Mas magiging komplikado pa ang kanilang relasyon dahil uusisain ito ni Charlie (Christian), isa sa mga drag sister nila at mentor din ni Jason. 

Sa kabila ng kanilang mga problema sa buhay, iisa lang naman ang hangad nila at iyon ang magmahal at mahalin sila ng kani-kanilang pamilya. Pagdating kay Betty, ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang ‘out and proud’ queer family, habang si Jason naman ay nahihirapang aminin ang tunay niyang sekswalidad sa pamilya niya kaya itinuturi na niyang pangalawang pamilya si Charlie. 

Ang “Drag You and Me” ay idinerehe ni JP Habac at kasama rin sa serye ang real-life drag queens na sina Brigiding, Viñas Deluxe, Xilhouete, at Precious Paula Nicole, pati ang special guests na sina Flor Bien Jr. at Rico Reyes mula sa ‘Home from the Golden Gays.’ Kabilang din sina Romnick Sarmenta, KaladKaren Davila, Ice Seguerra, Jon Santos, Cris Villanueva, Albie Casiño, Lance Carr, PJ Endrinal, Jeric Raval, Amy Nobleza, Noel Comia Jr., at Yves Flores.

Panoorin ang “Drag You and Me” ngayong Hunyo 2 sa iWantTFC app (iOs at Android) o website.

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com