News Releases

English | Tagalog

Aljon at Markus, pinag-aagawan si Jayda sa "Teen Clash"

May 24, 2023 AT 11:17 PM

Who between Aljon and Markus will win Jayda's heart in "Teen Clash"?

Will Zoe choose Ice or Jude? Will Zoe decide to pursue her music career with Jude or stick with Ice and Teen Clash?

Panoorin ang huling dalawang episodes sa iWantTFC

Maguguluhan ang puso ni Zoe (Jayda Avanzado) sa namumuong pag-iibigan nila ni Ice (Aljon Mendoza) at sa pangarap niyang music career kasama ang ex-crush niyang si Jude (Markus Paterson) sa huling dalawang episode ng “Teen Clash” sa iWantTFC. 

Muntik nang makuha ni Ice ang matamis na ‘oo’ ni Zoe at magiging “official” na sana sila bilang magkasintahan ngunit biglang bumalik si Jude sa buhay ni Zoe. Pagkatapos kasing i-”ghost” ni Jude si Zoe, inamin na niyang may gusto siya kay Zoe at nais na rin niyang ibalik muli ang tambalan nilang ‘ZoJu’ na minahal ng music fans.

Pero kahit si Jude ang dahilan nang pagiging broken-hearted ni Zoe noon, maaaring magbago iyon at tuluyan na silang magkamabutihan dahil inaalok ang ZoJu ng isang bigating music deal sa Amerika, isang bagay na matagal nang pinapangarap ni Zoe. 

Kung tatanggapin ni Zoe ang alok, kailangan niyang talikuran si Ice at ang banda nilang ‘Teen Clash,’ pati na rin ang pangarap nilang mag-champion sa ‘Music Jam.’

Sino kina Ice at Jude ang magwawagi sa puso ni Zoe? Pipiliin ba ni Zoe ang ZoJu kesa ang Teen Clash?

Panoorin ang huling dalawang episode ng “Teen Clash” sa Mayo 24 at Mayo 26 ng 8 PM sa iWantTFC app (iOs at Android) o website. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE