News Releases

English | Tagalog

RadRed band naglabas ng rock summer single na "Mr. Sun"

May 25, 2023 AT 10:57 AM

RadRed band releases upbeat rock single "Mr. Sun"

 Jose Carlito band is now called RadRed.

Dating Jose Carlito band, kilala na ngayon bilang RadRed
 
RadRed na ang pangalan ngayon ng bandang kilala dati bilang Jose Carlito at kasunod ng pagpalit nila ng pangalan ang paglunsad ng kanilang upbeat summer anthem na “Mr. Sun.”
 
Ang band frontman na si JC Padilla ang sumulat ng bagong kanta at nagprodyus nito sa ilalim ng Star Music label ng ABS-CBN.
 
"’Mr. Sun’ is about finding meaning in life and appreciating its beauty,” sabi ni JC. “May hiling ito sa araw na magliwanag doon sa mga naguguluhan para makalimot sa kanilang mga pinagdadaanan.”


Isang four-piece band ang RadRed na kinabibilangan nina JC (vocals), Katsumi Kabe (guitars), JZ Lorenzo (bass), at Bryan Tuazon (drums). Nais nilang maghatid ng modern flavor sa 90’s rock at 70’s blues rock gamit ang kanilang musika.  Sila ang nasa likod ng mga awiting “Dystopia,” “At Kahit,” “Big White Wall,” Blankong Imahe,” at iba pa.
 
Nagpalit sila ng pangalan ng banda bilang “matapang na paglayo sa karaniwan at pagsisimula ng pangmalakasang collective change.” Pinagsama nila ang mga salitang ‘radical’ at ‘redemption’ para maging ‘RadRed.’  
 
Ani JC, “With this name, our band aims to create music that breaks boundaries, evokes strong emotions, and inspires positive transformation.”
 
Pakinggan ang “Mr. Sun” single ng RadRed na available na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.