News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN stars na sina Janine Gutierrez, Jayda, at Aljon Mendoza, nakisaya sa Magayon Kapamilya Karavan

May 26, 2023 AT 11:40 AM

“Dirty Linen” cast at AlJay, hinarana ang mga Legazpeño ng OPM hits

 

Pinangunahan ng aktres na “Dirty Linen” na si Janine Gutierrez ang mga ABS-CBN artist, kabilang ang lead tandem ng “Teen Clash” na sina Jayda at Aljon Mendoza, mga co-star sa “Dirty Linen” na sina Sean Tristan at Raven Rigor, at dating Pinoy Big Brother housemate na si Eian Rances, ang pakikisaya sa maraming manonood sa Magayon Festival Kapamilya Karavan sa Legazpi City.

Pinasaya ng cast ng “Dirty Linen” ang madla nang awitin ni Janine ang “Jopay” ng Mayonnaise, habang kinanta naman ni Raven at Sean ang “Hanggang Kailan” ng Orange and Lemons at “Give Me Your Forever” ni Zack Tabudlo.

Pinakilig naman ng “Teen Clash” stars na sina Jayda and Aljon ang manonood ng kantahin nila ang “Simpleng Tulad Mo” ni Daniel Padilla. Ipinarinig din ni Jayda ang kanyang kantang “M.U. (Malabong Usapan).”

Natunaw din ang mga puso ng mga fans nang awitin ng ex-PBB housemate na si Eian Rances ang “Little Things” ng One Direction.

Mapapanood ang “Dirty Linen” tuwing weeknight at 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Samantala, ang lahat ng episodes ng “Teen Clash” ay maaaring panoorin sa iWantTFC app (iOs at Android) at website (iwanttfc.com).

Naging posible ang Magayon Kapamilya Karavan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ABS-CBN Regional, ABS-CBN Events, Kapamilya Channel Regional, MOR, at A2Z.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.