News Releases

English | Tagalog

Imogen ng "It's Showtime," inilabas ang debut single na "Da Da Da"

May 26, 2023 AT 11:22 AM

"It's Showtime's" Imogen Cantong drops debut single "Da Da Da"

Imogen Cantong releases her youthful debut single "Da Da Da."

Anak nina Rey at Kaye Cantong ng Six Part Invention

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa pagkabata ang handog ng anim na taong gulang na “batang cute-po” kiddie panel member ng “It’s Showtime” na si Imogen Cantong sa kanyang debut single na “Da Da Da.

Nagmula ang inspirasyon ng upbeat track sa himig na inawit ni Imogen noong dalawang taon gulang pa lamang habang binuo naman ito ng kanyang magulang na sina Rey Cantong at Kaye Cantong ng Six Part Invention na nagsilbing composer at producer ng awitin.

“Yung Da Da Da po for me ay para sa mga babies na hindi pa nakakapagsalita. I composed it for them po. Ang meaning po ay parang nagyayaya [na makisaya sa awitin],” ani Imogen.

Bukod sa pagiging bahagi ng kiddie panel ng “Isip Bata” segment ng “It’s Showtime” at featured artist sa awiting “3-in-1” ni Jamie Rivera, may talento rin si Imogen sa sa pagpe-perform na kinagisnan niya mula sa kanyang magulang. Aktibo rin si Imogen sa kanyang pag-aaral kung saan nakikilahok siya sa iba’t ibang school programs upang ipakita ang kanyang talento.

“When I was two years old po lagi ako nagwa-watch ng music videos then lagi ko po sila ginagaya. Also nakikita ko po parents ko na nagpe-perform kaya nagustuhan ko na rin po mag-perform,” kwento niya.

Sa paglabas ng kanyang unang single, unti-unti tinutupad ni Imogen ang kanyang pangarap na maging kilalang recording artist. Ilan sa role models na kanyang itinuturing ay sina Regine Velasquez-Alcasid, Sarah Geronimo, Blackpink, Ariana Grande, at ang banda ng kanyang mga magulang na Six Part Invention.

Makisayaw sa himig ng “Da Da Da” na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms at panoorin ang recording session ni Imogen sa ABS-CBN Music YouTube channel.  Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE