News Releases

English | Tagalog

"Unbreak My Heart" nina Jodi, Richard, Gabbi, at Joshua ipapalabas sa TV sa GMA at online sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu

May 26, 2023 AT 11:52 AM

"Unbreak My Heart" starring Jodi, Richard, Gabbi, and Joshua airs on TV on GMA, online on GMANetwork.com, iWantTFC, and Viu

Will Rose fight for Renz even if Alex is already in his life? Will Rose get the forgiveness she’s been longing for or will Matt make her face the consequences of her sins?

Premiere episode mapapanood online sa Mayo 27 at eere sa TV sa Mayo 29

Isang bawal na pag–ibig ang magdadala ng sakit at hinagpis sa mga karakter nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia sa “Unbreak My Heart,” ang kauna-unahang kolaborasyon ng GMA Network at ABS-CBN Corporation na mapapanood na ngayong Mayo. 

Ipapalabas ang serye sa TV sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies ngayong Mayo 29 ng 9:35 PM mula Lunes hanggang Huwebes, at 11:25 PM sa GTV. Masusubaybayan din ang mga episode nito online 48 oras bago ito ipalabas sa telebisyon sa Pilipinas sa GMANetwork.com at iWantTFC, at sa 16 territories sa labas ng Pilipinas sa Viu simula Mayo 27. Available rin ang serye sa GMA Pinoy TV at TFC. 

Iikot ang kwento ng “Unbreak My Heart” kay Rose (Jodi), isang babaeng durog na durog ang puso dahil sa kanyang masalimuot na nakaraan at ngayon ay gustong mabuo muli ang kanyang pamilya matapos niya itong iwanan. 

Sa kalagitnaan ng pagtatama ng kanyang mga kasalanan, mahuhulog ang loob ni Rose kay Renz (Joshua), isang naggwagwapuhang lalaking magiging sandalan niya sa kabila ng mga personal na problema nito at mauuwi sila sa kapanapanabik na May-September love affair. 

Sa kabila nito, makikilala ni Renz ang isang sexy at magandang babaeng si Alex (Gabbi) na handang ipaglaban ang kanilang nabuong pag-iibigan. 

Magiging komplikado ang buhay nina Rose, Renz, at Alex dahil maiipit sila sa love triangle. Iigting pa lalo ang kanilang mga emosyon dahil sa patong-patong na mga problema nang sumulpot si Matt (Richard) sa kanilang mga buhay para protektahan ang pamilya niya. 

Ipaglalaban pa ba ni Rose si Renz kahit nasasaktan na ang kanilang mga damdamin? Kaya pa bang maghilom ang puso ni Rose sa kabila ng pangingialam ni Matt?

Kinunan ang “Unbreak My Heart” sa Switzerland, Italy, at Pilipinas sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Dolly Dulu at sa produksyon ng Dreamscape Entertainment. Kabilang din sa serye sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yap, at Mark Rivera, pati na ang up-and-coming young actors na sina Will Ashley, Jeremiah Lisbo, at Bianca de Vera.

Mapapakinggan din sa serye ang official soundtrack tampok ang mga awitin nina Christian Bautista, Bey, at Moira dela Torre. 

Huwag palampasin ang premiere episode ng “Unbreak My Heart” sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies ngayong Mayo 29 ng 9:35 PM, 11:25 PM sa GTV, at panoorin ito 48 oras bago ito ipalabas sa telebisyon sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu simula Mayo 27. Available rin ang serye sa GMA Pinoy TV at TFC.