News Releases

English | Tagalog

"Senior High" at "High Street" available na sa US at Canada

October 01, 2024 AT 08:36 AM

Lahat ng episodes libre sa ABS-CBN Entertainment YouTube
 
Pwede nang ibinge-watch ang lahat ng episodes ng mystery-thriller series na “Senior High” at “High Street” sa United States at Canada kung saan libre ito sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Matapos itong pumatok sa Pilipinas, masasaksihan na rin abroad ang nakakaintrigang kwento ng dalawang serye na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes at tungkol sa iba’t ibang mga social issue na pinagdadaanan ng mga kabataan. Dito rin nabuo ang kinakikiligang mga love team ng “RoxChie” (Xyriel Manabat at Elijah Canlas) at “TimPoch” (Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez).

Sinusundan ng “Senior High” ang paghahanap ng hustisya ni Sky (Andrea) matapos ang misteryosong pagkamatay ng kambal niyang si Luna. Nakapagtala noon ang serye ng isang bilyong views sa TikTok at higit 38 milyong digital views sa YouTube, Facebook, at iWantTFC sa loob lamang ng dalawang linggo.

Tampok naman sa sequel series na “High Street” ang pagsabak ni Sky at ng kanyang mga kaibigan sa real world bilang mga adult. Mayayanig ang kanilang mundo sa pagdating ng panibagong kalaban na gustong maghiganti dahil sa kanilang mga nakaraan.

Samantala, pwede rin ibinge-watch ng mga manonood sa United States at Canada ang full episodes ng mga seryeng “Can’t Buy Me Love” at “Linlang." Available rin dito ang "High Street Fast Cuts" at “Pamilya Sagrado Fast Cuts” na pinaikling mga episode tampok ang pinakamaiinit na eksena sa serye.

Patuloy ang paglawak ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel bilang parte ng layunin ng kompanya na maghatid ng saya at inspirasyon sa mga Kapamilya sa iba’t ibang parte ng mundo.

Maging parte ng online pamilya ng ABS-CBN sa pag-subscribe sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, ang numero unong YouTube channel sa media and entertainment category sa Southeast Asia na may 49.7 milyong subscribers. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE