Videos

ABS-CBN PR news Rundown: September 11

September 11, 2020 AT 05:51 PM

Mga Kapamilya, magkakainitan na naman sina Ellice at Marissa dahil sa balak ni Marissa tungkol sa perlas ni Cenidoza sa "Ang Sa Iyo Ay Akin." May bangayan kayang mangyayari? Abangan! Magiging maaksyon naman ang nalalapit na finale ng "A Soldier's Heart" sa muling pagtatagpo nina Alex at ng kanyang mortal na kaaway na si Saal. Samantala, panalo rin ang kabataang Pinoy dahil may "Just Love Kids" na bagong online portal at morning block sa Kapamilya Channel na tiyak mapupulutan ng magagandang aral. May bago ring info-sharing app na tinatawag na Sharea na mabisang gamitin ngayong pandemya na layuning palakasin ang bayanihan sa ating mga komunidad na pwede na i-download sa Google Play Store. Panoorin na ang #ABSCBNPRNewsRundown para updated ka lagi sa balita, mga Kapamilya!