Tyron Perez's loved ones speak up about possible reasons behind the actor's death

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tyron Perez's loved ones speak up about possible reasons behind the actor's death

Bernie Franco

Clipboard

010212-tyron_main.jpg

Nagulantang ang marami sa pagkamatay ng aktor na si Tyron Perez, 26, nang matagpuan siyang wala nang buhay sa loob ng itim na kotse sa may North Luzon Expressway noong December 29. Isa sa mga hinihinalang dahilan ay suicide.



Ikinuwento rin ng asawa ng aktor na si Liv Espino sa

The Buzz

na tinawagan siya ni Tyron bago siya pumanaw. “Around 9:00 o’clock

ang sabi n’ya hindi na niya kaya eh. Gagawin na niya, akala ko ‘yung

last text

niya hindi na ako aabot, ang sabi niya hindi na ako aabot sa kanya

,” pahayag ni Liv.



Kinumpirma rin ni Liv na ipinarinig pa sa kanya ng asawa ang huling hininga nito. “

Parang nahulog na

phone.

Narinig ko lang na nag

-struggle

siya huminga.

Hello

ako nang

hello,

wala, wala na

.” Sinabi rin ni Liv na ipinakita sa kanya ang diumano’y armas na ginamit ni Tyron na isang maliit na baril. “’

Yung

very vivid

na naalala ko, ‘yung huling hininga na parang

struggling

tapos nahulog na ‘yung

phone, hello

ako nang

hello,

wala na

.”



Sinabi naman ng kaibigan ni Tyron na nakapanayam din ng

The Buzz

na alam niyang may problema ang aktor at ang asawa nito. “

Nung bago mag

-Christmas

napi

-feel

ko na may problema talaga siya. Ginawa ko

in-add

ko sa

Facebook

‘yung

wife (niya)

para lang alam niya na nasa amin si

Tyron.

‘Yun nga nalaman ko sa kanya

(Liv),

hindi pala niya alam kung nasaan si

Tyron.

Hindi sila hiwalay parang may pinag-aawayan lang na konting bagay lang siguro. Kasi ‘yung

wife

niya

flight attendant so

matagal bago umuwi ng Pilipinas. Ang isa sa naging problema niya umalis siya sa bahay ng

wife

niya na hindi nagpaalam sa

in-laws, so totally

walang alam ‘yung pamilya ng babae at

wife

niya kung nasaan siya. Sabi niya

(Tyron)

alam daw pero ‘yung malapit na mag

-Christmas

hindi kami naniniwala kasi, malapit na mag

-Christmas

dapat magkasama na sila ‘di ba?

” Sa palagay raw ni Priscilla ay may problema sa pera si Tyron at pati na rin sa asawa dahil hindi raw sila magkasama nung Pasko.



Kinumpirma naman ni Liv na may pinagdadaanan silang mag-asawa. Pero ayaw niyang magbigay ng detalye. “

Ang masasabi ko lang

okay

kami

. Last few weeks

hindi na namin siya nakakausap

. Text

lang, ‘di sinasagot ‘yung telepono

.” Dagdag pa niya ay wala raw nakausap si Tyron sa problema niya kaya litong-lito siguro ito. Tumanggi naman magcomment si Liv tungkol sa kanyang Twitter post hinggil sa pagkawala ng kanyang kotseng itim kung saan ay doon din natagpuan ang walang buhay nang katawan ni Tyron.



Clueless naman ang nakatatandang kapatid ng aktor na si Jennifer Perez na lagi raw sinasabi sa kanila ng kapatid na maayos at okay ang estado niya. Dadalhin na ang mga labi ni Tyron sa Tarlac ngayong Lunes, sa lugar kung saan nandoon ang kanyang pamilya.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad