Robin Padilla wants a torrid kissing scene with Kris Aquino In 'Kailangan Ko'y Ikaw' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Robin Padilla wants a torrid kissing scene with Kris Aquino In 'Kailangan Ko'y Ikaw'
Rachelle Siazon
Published Feb 04, 2012 08:08 AM PHT

Sa ginanap na story conference ng
Kailangan Ko’y Ikaw
noong ika-2 ng Pebrero, tinanong agad ni Robin Padilla si Kris Aquino kung payag na ba itong makipag torrid kissing scene sa gagawin nilang teleserye. Mabilis namang sumagot si Kris ng, ”Yes,
pwedeng-pwede!
”
Nang tanungin ng entertainment press si Robin tungkol dito, nilinaw niya na walang malisya ang request niya na dapat may torrid kissing scene sila ng dating karelasyon.
“
Hindi
[naman sa gustong-gusto ko].
Nagbibiruan lang kami ni
Kris.
Noon kasi kapag may pelikula kami bawal maghalikan. Palagay ko may mangyayari dito. Bawal pa kasi dati kasi may asawa siya
or boyfriend.
Wala akong inaatrasan lalo na sa halikan. Pero siyempre kailangan kasama sa storya yun. Hindi naman dahil sa gusto mo lang maghalikan, gagawin mo na
.”
Ayon pa kay Robin, hindi na sila mga bata para maging big deal pa ang romantic past nila ng Queen of All Media. “
Wala na yun. Ano na kami,
mature
na kami. Yung
excitement
na nararamdaman namin, lalo na ako, mas sa usapin na gusto ko siya makatrabaho sa ganitong klaseng aktingan
, professional.” Excited din si Robin na makasama si Anne Curtis sa nasabing teleserye. “
Iba si
Kris,
iba si
Anne.
Iba yung
passion
nila sa trabaho kaya mga
successful
sila sa kani-kanilang
career.
Kaya kong pantayan yun.
”
Wala rin daw dahilan para magselos ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez sa bago niyang leading ladies. “
Wala. Nagkataon lang na ako’y pinagpala na makasama yung
hottest young actress (Anne) at hottest actress-superstar (Kris).
Siguro mabait ako kaya napagpala ako ng ganito
.”
Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT