Cesca Litton talks about turning 30, getting married, and having a family of her own
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Cesca Litton talks about turning 30, getting married, and having a family of her own
Krissa Donida
Published Jan 10, 2013 06:02 PM PHT

Sa surprise 30th birthday party na ginawa ng mga kaibigan at ng boyfriend ng Showbiz Inside Report Online host Cesca Litton na si Tyke Kalaw, nakausap ng Push.com.ph ang host na masayang ibinahagi ang mga magagandang nangyari sa kanya noong nakaraan taon. “I honestly don’t know because 2012 was such a big year for me so sana tuloy-tuloy na lang siya.”
Ibinahagi niya din ang pakiramdam na ngayon ay thirty years old na siya. “Alam mo ba na yung mga past few days parang ayaw kong mag-30 tapos ang dami nang humihirit na ang tanda mo na ang tanda mo na, hindi ka pa kinakasal, wala ka pang asawa. Excuse me, hahaha…” At dahil napag-usapan na rin ang kasal, natanong ng Push si Cesca kung sa taon ba na ito ay may plano na siyang magpakasal. “Parang hindi naman ata ako ang dapat na tinatanong niyan e hahaha… Siguro kapag napanaginipan ko na kinakausap ako ni God at sinabing magpakasal na ako, sige fine.”

Ngunit seryoso na rin naman si Cesca sa pagsabing kinokonsidera na niya ang pagkakaroon ng sarili niyang pamilya sa karelasyon niya ngayon na si Tyke Kalaw, apo ng dating senador na si Eva Estrada Kalaw. Aniya, “I wouldn’t be in a relationship without thinking of the long term, ganun naman lagi e.”

Kwento pa ni Cesca na mas nanggagaling kay Tyke ang usapin ng paglagay nila sa tahimik, at nang tinanong ng Push kung ano ang kanyang reaksiyon sa tuwing napag-uusapan nila ito, ang diretsong sagot ni Cesca, “Bakit ako magpapalano kung wala namang singsing. If it happens, it happens if it doesn’t, then di ba huwag pilitin.”

Kahit na siyam na buwan pa lamang ang kanilang relasyon, hindi ito tinitignan ni Cesca na hadlang kung sakaling magpaplano na silang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya. Aniya, “If you really know that you are right for each other, yun na yun e. Time is just a small factor na lang to consider and besides kung magpapaplano ka ng wedding, hello, isang taon din ang aabutin mo dun. Pero kasi also I met him high school pa lang kami, na may crush pala siya sa akin na hindi ko alam. Siguro siya alam niya na ang gagawin niya pero ako hindi pa e.”

At sa lahat ng mga magagandang nangyayari sa kanya, ang hiling na lang ni Cesca, “For God’s will to be done na lang talaga kasi there are time na pinipilit ko talaga yung gutso ko e. Yung God’s will na lang talaga not mine.”

Sa lahat ng pinagdaanan niya sa kanyang buhay, sa personal at propesyunal na aspeto nito, natanong ng Push kung ano ang babaunin niya sa lahat ng mga karanasan niya. “Siguro yung natutunan ko na lang is kahit anong gawin mo you cannot force people to like you. Everybody will have their opinion even if it’s good or not, wala ka nang magagawa dun. People will choose to believe whatever they want to believe. Pero dun mo malalaman kung sinong totoo sa iyo at kung sino ang mahal ka at sino yung dapat na nasa buhay mo.”

At sa tanong na kung masaya ba siya sa takbo ng buhay niya sa lahat ng aspeto, simple at diretso ang naging sagot niya, “Oo.”

Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT