Kathryn Bernardo denies being jealous of Daniel Padilla's other leading lady
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kathryn Bernardo denies being jealous of Daniel Padilla's other leading lady
Krissa Donida
Published Mar 05, 2013 06:09 PM PHT

Sa panayam ng Showbiz Inside Report sa pinakamainit na tambalan ng panahong ito na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, isa sa mga napag-usapan ay ang mga nakita nilang mga naging pagbabago sa isa’t isa mula nang una silang magkatambal. Para kay Kathryn, mas naging mature ang katambal. Aniya, “Alam niya na yung tama sa mali, alam niya na ‘yung priorities niya.” Mas naging mas maalaga naman sa sarili si Kathryn ayon kay Daniel. Ayon sa binatang Padilla, “Si Kath siguro before, parang kikay kikay siya, mas lalo na ngayon, hindi! Loko lang! Kung baga conscious na siya sa itsura niya, mas inalaagaan niya na ‘yung sarili niya.”
Isa sa hindi maiiwasan sa isang tamabalan ay ang mga tampuhan o hindi pagkakaintindihan at inamin naman ng dalawa na pinagdadaanan nila ito. Para kay Daniel, kung maaring iwasan ang mga tampuhan ito ay gagawin niya ito ngunit kundi man ay inamin niyang siya ang unang nakikipag-usap. Dagdag pa ni Kathryn, kapag kinausap na siya nagkakaayos na sila agad dahil, “Ang hirap nun eh, sweet kayo sa scene tapos mag-aaway kayo, kung pipilitin makikita nila sa mata.” At ang kadalasang ugat ng kanilang hindi pagkakasundo ayon kay Kathryn, “Siguro kapag pagod lang talaga.“ Sinang-ayunan ito ni Daniel. “Magka-clash kami, ganun ‘yun kapag pagod na pagod ka na, ayaw mo na munang makipag-usap.”

Ibinahagi din ng dalawa ang kanilang ginagawa sa mga panhong libre sila at walang trabaho. Ang kwento ni Daniel na ginagawa ni Kathryn, “Si Kat kapag wala siyang gagawin, oops, wala siyang gagawin, punta siya ng Rockwell, paayos siya ng kuko niya, punta siya ng The Fort, tapos papalinis siya ng mukha niya.” Kwento naman ni Kathryn sa ginagawa ng kapareha, “Kapag pack-up na, gigising siya afternoon na ‘yan. Ako ang dami ko nang nagawa siya kagigising pa lang.”

Nakaugalian na din daw itext ni Daniel ang kapareha kung nasaan ito at kadalasan nga ay nagpapa-spa ang dalaga. Dagdag pa ni Kathryn, “Tapos bubuksan na niya TV niya, kakain siya, mag-PlayStation siya, or papupuntahin niya barkada niya sa bahay niya, magba-basketball sila. Hindi siya umaalis ng bahay, doon lang siya.”

Inamin ng dalawa na hangga’t maari, kahit na hindi sila magkasama, ay may komunikasyon sila sa isa’t isa. At napag-alaman din ang tawagan nila sa isa’t isa. Kwento ni Kathryn, “Pottie or Potpot (laughs). Ang cute kasi sabihin. Tapos payatot, potpot payatot, mahilig kasi siya, kapag sinabi mo, sarap sabihin no, ulitin mo, potpot, potpot (laughs). Ayun parang nakasanayan na.” At Baba naman tawag ni Daniel sa kapareha at ang dahilan nito, “Baboy. Kasi lagi niyang sinasabi ang taba na niya eh.”

Sa parte ng panayam sa kung ano ang ikukumpisal nila sa kapareha na hindi pa alam ng isa, tinanong ni Daniel ang kapareha kung mahal na siya nito. Ang naamin na lang ng dalaga, “DJ, aaminin ko sa ’yo na… na conscious ako minsan kapag tumitingin ka.” At ang eksplenasyon niya dito, “Kapag tumitingin siya, hindi mo alam ang nasa isip. Minsan mayroon palang hindi magandang nasa isip niya, baka sa suot ko, baka may comment pala siya doon, or sa kinikilos ko.”

Inamin ni Kathryn na sa bago nilang pelikula ngayon, ang Must Be Love, ay naninibago siya na kung sa dati nilang teleserye ay siya ang may kapareha ngayon naman ay si DJ ang itinatambal sa iba. Nang maitanong kung nagseselos siya, natatawang, “Hindi naman” ang kanyang sagot. Dagdag pa niya, “Hindi kaya! Kailangan na rin masanay kasi baka sa next soap, may iba na siyang ka-love team, tapos ako na lang ka-love triangle. Nanibago lang sa simula, pero habang tumatagal naman, may tiwala naman po ako kay DJ, ayun trabaho lang.”

Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT