Whatever happened to Maui Taylor?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Whatever happened to Maui Taylor?

Jeff Fernando

Clipboard

011915-maui_main.jpgIsa sa tumatak na pangalan sa larangan ng pagpapa sexy si Maui Taylor na nagsimula sa showbiz taon 2002 ng maging cover girl ng isang sexy mens magazine. Simula noon, kaliwat kanan na ang mga nagging projects ni Maui. Ilan sa mga pelikula niyang di makakalimutan ay ang una niyang starring role sa “Gamitan” (2002), “Hibla” at “Sex Drive” (2003) at ang “Huling Birhen sa Lupa”.


Huling pelikula ni Maui ang 2012 movie na “The Taste of Money” na isang Korean production.


Kamusta na nga ba si Maui Taylor na isa ng mommy ngayon?


“I gave birth November 22, 2013 to a baby boy and his name is Anton Miguel. Masaya maging mommy. Naisip ko nga bakit kung kailan ako nag 32 tsaka ko lang naisip na maging parent pero masaya naman talaga.”


Nasa plano na rin ni Maui at ng kanyang non showbiz husband na sundan ang kanilang panganay.


“In two or three years pwede na naming sundan depende basta kung ibibigay na ni Lord bakit naman hindi?”


Aminado si Maui na nami-miss niya ang mundo ng showbiz na nakasanayan na niya.


“Nakaka miss sa showbiz is yung araw araw nasa trabaho ka, pero ngayon na mommy na ako medyo hindi na siguro kakayanin ang ganun naka focus na kasi ako ngayon sa baby ko pero kung papayag naman ang trabaho sa limited time na maibibigay ko siguro pwede naman, pwede na mag comeback.”


Kung magbabalik man si Maui, mayroon nang limitasyon.



“Bawal na ako mag sexy siyempre pero pwedeng pwede na ako tumanggap ng mommy roles.”


Masaya si Maui dahil patuloy pa rin ang communication nila ng mga dati kasamahan sa sexy group na Viva Hot Babes na nagpasikat ng novelty songs na “Bulaklak” at “Basketball”.


“Wala naman nagbabawal pinapayagan naman ako kung gusto ko mag showbiz ulit. Nakakayuwa nga kasi in touch pa rin kami ng mga kasamahan ko dati sa Viva Hot Babes sila Katya sila Andrea, ok na ok pa rin ang samahan namin. Halos every week nagkikita kami madalas yun every Thursday we see each other.”

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.