Jake Vargas denies break up with Bea Binene | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jake Vargas denies break up with Bea Binene

Jake Vargas denies break up with Bea Binene

Leo Bukas

Clipboard

013015-jake_main.jpgMagiging pang pre-Valentine offering ng APT Entertainment ang pelikulang Liwanag Sa Dilim na pinagbibidahan nina Bea Binene, Jake Vargas, Sarah Lahbati at Sunshine Cruz na ipalalabas sa Feb. 11. Ang pelikula is under the direction of Richard Somes.

Present sa presscon ng pelikula si Jake at naikuwento niya sa amin ang latest development tungkol sa manager niyang si Kuya Germs (German Moreno) na dumanas ng mild stroke kamakailan lang.

“Hindi pa po siya puwedeng kausapin pero nakalabas na siya ng hospital last week. Kapag medyo malakas-lakas na raw si Kuya Germs dadalhin yata nila sa States para ipa-therapy, three months daw yata.

“Nagulat talaga ako sa nangyari sa kanya. Kasi, alam ko malakas si Kuya Germs, eh, kahit na ganu’n… (may edad na). Siguro ano lang… napagod lang siguro, kasi nag-countdown pa siya, nabasa pa yata ng ulan at nagsuka-suka pa ata… kaya ‘yon. Buti na nga lang at nadala kaagad siya ni Tito Noli (driver ni Kuya Germs) sa ospital,” kuwento ni Jake sa Push.Com.

May balitang tsutsugihin na rin ang late night show ni Kuya Germs na Walang Tulugan With The Mastershowman at may reaksyon din dito si Jake.

“Hindi naman po (tsutsigihin). Diretso pa rin kami, kasi sabi ni Kuya Germs, kahit wala siya, si Kuya John (Nite) na muna ang magtutuloy,” sey niya.

Hindi naman itinanggi ni Jake na totoong nagkaroon ng tanggalan sa mga miyembro ng Walang Tulugan.

“Kokonti na lang po kami, eh. Siguro mga 40 na lang. Marami na ring natanggal… Nakakaawa yung mga natanggal, pero wala naman din akong magagawa, eh. Gusto nilang sumikat, kaya nga sila pumasok sa Walang Tulugan… Ako pag nandun ako sa Walang Tulugan, hinayaan ko lang sira para… Eh, ako matagal na rin naman sa Walang Tulugan kaya nagkaroon na rin ng exposure kahit papaano.”

Ayon pa kay Jake, the show must go on sa kanilang programa kahit pa nga may sakit si Kuya Germs.

“Sa showbiz naman po, ganu’n talaga. The show must go on kahit na anong mangyari. Malungkot kasi hindi naming siya nakakasama, pero ipinagpe-pray naman namin na gumaling siya kaagad,” sambit pa niya.

Sa huling bahagi ng panayam namin kay Jake ay itinanggi niya ang balitang hiwalay na sila ng kasintahang si Bea Binene.

“Okey naman po kami. Meron lang siyempre na tampuhan, siyempre may relasyon kami kaya hindi naman po naiiwasan ang ganu’n. Hindi naman poi to ang first time na nagkatampuhan kami. Maraming beses na po,” pag-amin niya.

“Parehas kasi kaming mataas ang pride kaya kahit simpleng problema lang, lumalaki na. Pero dahil ako yung lalaki, ako lagi yung unang gumagawa ng move para magkaayos kami,” dagdag pa ng guwapong actor.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.