Did Sam Concepcion and Jasmine Curtis-Smith break up?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Did Sam Concepcion and Jasmine Curtis-Smith break up?

Krissa Donida

Clipboard

021915-jasmine_mainphoto.jpgTila hindi nalalayo sa intriga ang relasyon ni Sam Concepcion at Jasmine Curtis-Smith. Magmula pa sa mga balitang ayaw diumano ng nakatatandang kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis si Sam, na nauwi pa sa diumano’y pamamahiya daw ng aktres kay Sam sa isang club, hanggang sa pagkakaugany noon ni Jasmine kay Daniel Padilla, kaakibat na nga nina Jasmine at Sam ang isyu at kontrobersiya.


Ngayon naman nahaharap ang dalawa sa isyung kumakalat na hiwalay na daw ang dalawa. Nagsimula ito nang may lumabas sa showbiz blogsite na fashionpulis ng litrato ni Jasmine sa isang fine dining restaurant na may bouquet of roses mula sa Instagram user na si @tracyayson. Sinasabing ang nag-post ng litrato ay matalik na kaibigan diumano ni Jasmine na may caption na, “Who needs a boyfriend when you have a best friend who went the extra mile and took you out on a fancy schmancy Valentine’s dinner?


Nakakuha ito ng iba’t ibang mga reaksiyon mula sa mga netizens na nagtatakang bakit hindi kasama ni Jasmine ang kanyang boyfriend noong Valnetine’s Day. At ang maintrigang caption na “who needs a boyfriend” na tila ayon sa ilan ay maituturing na kumpirmasyong wala na nga ang dalawa.


Mula sa isang anonymous user, “I guess this signifies that she and Sam are over.


At isang ding kumento mula sa anonymous user, “The caption says its all, baka wala na plan si Sam… hi lost lol.”


Mas umingay pa ang mga bali-balitang hiwalay na nga ang dalawa nang magpost ang Instagram user na si @lesleyvmartinez ng litrato niya kasama si Sam, si Paolo Valenciano at ang asawa ni Paolo na may caption na #ULITIMATE. Gumawa ito ng mga espekulasyong baka ang Instagram user at si Sam ang magka-date nung Valentine’s. Si Lesley ay anak ng aktor na si Leo Martinez at magkakaibigan lamang diumano silang lahat na nanood ng Ultimate Concert nina Gary Valenciano, Lani Misalucha, Martine Nievera at Regine Velasquez.


Bakit nga ba hindi magkasama noong Valentine’s Day sina Jasmine at Sam? May katotohanan kaya ang mga balitang kumakalat na hiwalay na ang dalawa?

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.