Karla Estrada appeals to KathNiel fans who bash Jasmine Curtis: 'Wag tayong masyadong pala-away'
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Karla Estrada appeals to KathNiel fans who bash Jasmine Curtis: 'Wag tayong masyadong pala-away'
Leo Bukas
Published Mar 14, 2015 10:07 PM PHT

May mga taong pilit na pinapaamin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kung ano talaga ang totoong estado ng kanilang relasyon ngayon. Sa obserbasyon ng marami, mas lumalim pa ang pagtitinginan ng dalawa ngayon.
Ayaw namang pangunahan ni Karla Estrada (nanay ni Daniel) ang hindi pag-amin ng dalawa. “Ah, ibibigay ko na yon do’n sa dalawa. Fourteen years old pa lang magkaibigan na sila, so kung anuman ang desisyon nila na ngayon at 19 na sila pareho, malamang kaya na nilang sagutin ‘yon,” simulang paliwanag ni Karla.

Eh, sa tingin ba niya may relasyon na ba talaga ang dalawa?

“Bilang ina, sa nakikita ko, mas malalim yung pagkakaibigan. Do’n sa pagkakaibigan (lovers), hindi 'yon maarok, gets mo? Parang mas mawiwindang yung pagsasama kaya mas pinalalim yung friendship. Actually, ‘yun yon, eh, kasi naghilahan sila pataas.

“Kung may selosan mang nangyayari kasi merong sumingit o kung anumang merong nakikita, nag-uusap sila. Kaya ako, ayokong makialam kasi pangit.”

Naniniwala din si Karla na kapag nahaluan na ng relasyon ang love team ng dalawa ay baka maging disadvantage pa ito.

“Pag nahaluan na kasi ng relasyon yung lalim ng friendship, konting kibot, selos agad. So, para sa akin, magkakaroon ng disadvantage. So, okay na muna yung ganito na lang muna sila...” bitin niyang pahayag.

Muli namang ipinagtanggol ng ina si Daniel sa akusasyong ang binata ang dahilan ng paghihiwalay nina Jasmine Curtis at Sam Concepcion. (continued on next page)

“Ay hindi naman totoo 'yon. Hindi gagawin ng anak ko 'yon -- ang manira. Kung sino man, kung ano man ang nangyari, wala tayong pakialam do'n, at matatanda na rin silang lahat kaya sila ang nagdesisyon no'n. Walang kinalaman ang anak ko do'n,” giit pa niya.
Umapila rin si Karla sa KathNiel fans na patuloy na nang-aaway at namba-bash kay Jasmine.

“Sa mga supporters ng KathNiel, mga anak, huwag tayong masyadong mainitin ang ulo. 'Wag tayong masyadong pala-away. Iwasan natin yan dahil hindi yan nakakatulong sa mga iniidolo ninyo. Nagre-reflect po yang mga salita ninyong hindi maganda patungkol sa ibang tao.

“Pakiusap lang, tama na ang galit, mas marami tayong dapat ipagpasalamat kesa ang mang-away. Tutukan na lang natin ang pagsuporta sa bagong TV show (Pangako Sa ‘Yo) ng KathNiel. Meron pa tayong filmfest, marami pa tayong gagawin. 'Wag nating ubusin ang energy natin sa pakikipag-away,” pakiusap ng ina ni Daniel.

Nagpasalamat din si Karla sa suporta ng fans at ng publiko na nanood ng Crazy Beautiful You nina Daniel at Kathryn. Sobrang overwhelmed daw siya sa mga magagandang nangyayari sa career ng kanyang anak.

“Hindi pa rin ako makapaniwala, pero oo nga, naisip ko na yung mga patulong-tulong mo noon na walang hinihintay na kapalit, may balik din pala talaga... totoo yon!” sabi pa ng aktres na kasali sa TV show na Your Face Sounds Familiar.

Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT