Paul Soriano reveals why he has only directed three movies | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paul Soriano reveals why he has only directed three movies

Paul Soriano reveals why he has only directed three movies

Cristina Malonzo-Balane

Clipboard

041415-paul_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinabi ni Direk Paul Soriano na grateful siya sa Star Cinema dahil sa suporta nito sa kanyang upcoming movie na Kid Kulafu. Idedetalye ng pelikula ang buhay ni Manny Pacquiao noong siya ay bata pang boksingero at mas kilala sa bansag na Kid Kulafu.


Noon pa man daw sports fan na si Direk Paul at mahilig rin siya sa mga sports movies katulad ng Rudy. Ayon kay Direk Paul, “there’s something about sports that brings out the triumph of the human spirit.”


Dalawang taon ang research na ginawa nila Direk Paul para sa Kid Kulafu. Nang ikuwento diumano sa kanya ni Pacman ang istorya ng buhay nito ay para na itong isang pelikula. “It was already cinematic, dramatic, visual, colorful.” At nang hingin niya ang permiso ni Pacman para gawing pelikula ang buhay nito ay pumayag naman si Manny.


Kuwento ni Direk Paul, ang Kid Kulafu ay isang mother and son story na magpapakita kung gaano kamahal ni Pacman at ng nanay nitong si Mommy Dionisia ang isa’t isa. “Isa itong to die for kind of love,” ani Direk Paul. Nagkasakit daw noon si Mommy D at sa kagustuhang mabilhan ni Manny ng gamot ang kanyang nanay kung kaya sumali ito sa isang boxing match, kung saan manalo man o matalo ay may makukuha siyang cash prize.


Pero bakit nga ba tatlo pa lang ang nagagawang pelikula ni Direk Paul? Ito ay Thelma, Journey Home at ang Kid Kulafu. Sagot ni Direk Paul, mapili siya sa istoryang gagawin niya dahil “I have to fall in love with the story.” Bukod dito nag-produce na rin si Direk Paul ng mga pelikula at over a hundred commercials na ang nagawa niya.


Tinanong rin siya ng host na si Kris Aquino kung bakit trademark niya ang pagsuot ng cap at sagot naman ni Direk Paul ay, “I don’t want to fix my hair.” Nakakasave rin diumano siya ng time para mas marami siyang oras para sa ibang bagay katulad ng pagtulog.


Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.