Denise Laurel on health issue that might affect her ‘Your Face Sounds Familiar' performances | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Denise Laurel on health issue that might affect her ‘Your Face Sounds Familiar' performances
Denise Laurel on health issue that might affect her ‘Your Face Sounds Familiar' performances
Leo Bukas
Published Sep 11, 2015 05:07 PM PHT

Nawalan pala ng tiwala si Denise Laurel sa kanyang sarili bilang singer at performer kaya naglakas loob siyang sumali sa second season ng Your Face Sounds Familiar.
“Parang pakiramdam ko, wala namang gustong makinig kaya hindi ko na siya ginamit, hindi na ako nagpe-perform, ‘di na ako sumasayaw. Tapos nag-focus ako sa acting, kasi siyempre, kung anong binibigay sa akin hindi ako tumatanggi, go lang nang go!” pahayag niya sa
Hindi na rin daw niya halos matandaan kung kailan siya huking kumanta at nag-perform.
“I
think, yung
last performance
ko na talagang ako lang,
was my 18th birthday on
ASAP. Tapos nu’ng nakita ko to (YFSF),
oh, my God
,
this is a chance
na para kumanta ulit at mag-
perform.
“I auditioned but then, a
lam mong napakadaming napakahusay na taong na
g-audition. So,
hindi ako natulog, naghanda talaga ako
,” kuwento pa ni Denise.Inamin din ni Denise na bago pa man ang kanyang audition sa YFSF, may problema na sa kanyang lalamunan.
“Physically kasi, I have a condition right now na may bukol ako sa vocal cord ko. So,
hindi ko masyadong ma
-direct,
kailangan ng sobrang
force
kung saan ko gustong pumunta yung boses ko
. But aside from that, y
ung
want
ko
to join
ang
nag-motivate
sa akin
to join.
Gustong-gusto ko talaga,
” paliwanag pa niya.
Eh, paano ba nagkaroon ng bukol ang kanyang vocal cords at saan ba ito nagsimula?
“
Kasi tuluy-tuloy akong mag
-work,
tapos may iniinom
(gamot) k
asi ako para sa
allergy
ko, na pag iniinom ko parati ay sobrang nakaka-dry kaya nagkasugat yung lalamunan ko,
” sagot niya.
May advice na rin daw ang doctor sa kanya, pero hindi niya ito sinunod.
“This is how you know
na gusto ko talaga ang
show
na ito, kasi dapat hindi ako magsasalita
for how many months,
pumayag sila
(doctor)
na ginagawa ko ang
Nasaan Ka Nang Kailangan Kita
,
pero dapat
in between Nasaan Ka
tahimik lang ako
.
“
Pero dahil hindi ko naman mapalampas ang
opportunity
na ito, tumatahimik na lang ako ‘pag kaya ko
,” pag-amin pa niya sa tunay niyang kondisyon.
“
Ayoko kasing
mag-steroids eh,
tataba ulit ako, eh. Ang bilis non, kasi pag nag
-steroid ka, one week pa lang ... Nu’ng Annaliza
ang payat ko, tapos
two weeks
bago kami
mag-taping 20 pounds
agad yung nag
-gain ko,” kuwento pa niya.
Tatlong linggo bago ang audition nang matuklasan ni Denise ang bukol sa kanyang vocal cords.
“S
abi ko nga,
Lord,
ano ba ‘t
o? Mixed signals ba to?
Gusto Mo ba talagang
i-explore yung boses ko o hindi na?
Basta go na lang din, kasi
in the future
hindi ko na ito magagawa.
Fight
lang nang fight
!” very determined niyang pahayag.
Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT