Daniel Padilla on Diego Loyzaga courting Kathryn Bernardo: ‘Inagaw ko nga e’

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Daniel Padilla on Diego Loyzaga courting Kathryn Bernardo: ‘Inagaw ko nga e’

Cristina Malonzo-Balane

Clipboard

020816-danieldiego_PUSH.jpgSa Gandang Gabi Vice, sinabi ni Pangako Sa’Yo star Daniel Padilla na matagal na silang magkaibigan ni Diego Loyzaga simula noong magkasama sila sa ABS-CBN defunct show na Growing Up. Madalas diumano silang nagha-hangout sa bahay nila Daniel.


Inamin naman ni Diego na nagkagusto siya noong high school siya kay Kathryn Bernardo, na siya namang onscreen at napapabalita ring off screen partner ni Daniel.


“Matagal na po yun,” sabi ng aktor.


Paliwanag pa ni Diego, “Pangit naman kung sabihin na MU pero parang nagkaroon lang ako ng feelings sa kanya.”


Nang tuksuhin siya ng host na si Vice Ganda dahil sa paggamit niya ng salitang “MU,” agad namang binawi ito ni Diego at sinabing, “Ang sinasabi ko lang nagkagusto lang po ako sa kanya.”


Sinabi naman ni Daniel, nandun siya noong mga panahong nagkakagusto si Diego kay Kathryn. Nang tanungin siya kung hinayaan niya lang si Diego na manligaw kay Kathryn, agad na sagot ni Daniel ay, 'Anong hinayaan, inagaw ko nga e.”


Ani pa ni Daniel, “Nagpaalam pa ako nun kay Diego e. Alam kong may gusto siya at nirerespeto ko siya.”


Nag-agree naman si Diego at sinabing, “Nakita kong happy si Kathryn with DJ…”


Nang malaman rin ni Diego na okay na si Daniel at Kathryn ay, “Happy ako kasi kaibigan ko si Kathryn…The man who can’t move nakapag-move na,” sabi niya.


Isang rebelasyon rin na inamin ni Diego na nagkaroon siya ng girlfriend kamakailan lang.


“Nagka-girlfriend ako habang nagtetaping kami ng PSY and napansin ko na parang it’s kind of hard pag hindi mo katrabaho…”


Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.