Coco Martin, umaming nahirapan maging producer para sa ‘Ang Panday’
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Coco Martin, umaming nahirapan maging producer para sa ‘Ang Panday’
Jeff Fernando
Published Dec 08, 2017 05:00 PM PHT

Ngayong 2017, isa sa mga pelikulang aabangan ang muling pagbuhay ng isa sa mga orihinal na pelikula ng nag-iisang Da King na si Fernando Poe Jr. na Ang Panday.

Sa katauhan ni Coco Martin, muling masisilayan ng mga millennials ang isa sa mga pelikulang pinasikat ni FPJ noong ‘80s. Kasama dito ang ilan sa malalaking pangalan sa industriya gaya nina Eddie Garcia, Joonee Gamboa, at Gloria Romero.

Kabilang din ang tambalan nina McCoy De Leon at Elisse Joson na magbibigay naman ng kilig sa pelikula.

Sa unang pagkakataon, makakasama ni Coco bilang leading ladies ang mga beauty queen na si Mariel De Leon at si Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Ito din ang unang pagkakataon na gagampanan ni Coco ang apat na role sa isang pelikula bilang producer, direktor, writer, at aktor. Aniya, ang pinakamahirap umanong karakter na kanyang ginawa ay ang maging isang producer.

"Pag direktor ka naman kasi mag-focus ka lang sa eksena e. Pag producer ka, ico-consider mo kahit ang weather, ang mga artist mo. Siyempre aktor ako ayaw ko yung naiinip sila, kung kumain na ba sila, kung okay ba yung pagkain, kung ang lahat ay okay ba?" pahayag ni Coco.

Mapapanuod ang Ang Panday sa pagbubukas ng 43rd Metro Manila Film Festival ngayong December 25 sa direksyon ni Rodel Nacianceno.