Pelikulang ‘AWOL’ ni Gerald Anderson pasok sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pelikulang ‘AWOL’ ni Gerald Anderson pasok sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino

Kiko Escuadro

Clipboard

Sa naganap na announcement ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), isa ang pelikulang AWOL na pinagbibidahan ni Gerald Anderson sa labindalawang pelikula na kalahok para sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino na mag uumpisa ngayong Augusto (16 to 22).

Bukod sa AWOL, pasok din ang ilan pang entry gaya ng Birdshot, Triptiko, Slavage, Ang Manananggal sa Unit 23B, Star na si Van Damme Stallone, Patay Na si Hesus, Bar Boys, Paglipay, 100 Tula para kay Stella, Pauwi na, at Hamog.

Dahil dito masayang-masaya si Gerald na nakasali ang kanilang pelikula.

"Sobrang na-excite ako para sa movie. Tungkol to sa isang sundalo na nag AWOL so sobrang interesting at sobrang action, jam-packed. Actually medyo nasa high padin ako kasi two days ago ko lang napanuod kasi ipapalabas na nga," pahayag ni Gerald sa pictorial ng kanyang CosmoCee endorsement.

ADVERTISEMENT

Bagaman hindi kalakihan ang budget ng pelikula, aminado si Gerald na masaya siya para sa magandang simulain na ito para sa pelikulang Pilipino.

"Last year pa yan. Actually natapos kami late last year tapos ito na ipapalabas na nga. Siguro 11 days lang kami nag-shoot tapos super budget ang film pero kapag napanuod niyo hindi ako exaggerated talagang magugustuhan niyo," ani pa ni Gerald.

Pinasalamatan din ni Gerald ang FDCP at ang bumubuo ng Pista ng Pelikulang Pilipino para sa pagpili na ito sa kanilang obra.

"I'm just happy and blessed na may mga ganitong opportunity ako na ipinagkakatiwala sa akin kaya thank you po," pagtatapos na pahayag ni Gerald.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.