A look back on the year that was for Pia Wurtzbach | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

A look back on the year that was for Pia Wurtzbach

A look back on the year that was for Pia Wurtzbach

Kiko Escuadro

Clipboard

Isa si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa mga napanood sa 2017 Metro Manila Film Festival movie na The Revengers Squad bilang ang super hero na si Kweenie.

Pero bago ang kanyang unang salang sa pelikula, maituturing si Pia bilang isa sa well-known Miss Universe dahil sa kanyang ipinakitang dedikasyon sa kanyang naging reign.

A post shared by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

Naging maganda ang simula ng 2017 para kay Pia nang opisyal siyang pumirma sa international talent management company na IMG bilang isa sa mga contract artists nito.

Ilang buwan naman matapos nito, pumirma din bilang Kapamilya muli si Pia Wurtzbach at naging isa sa mga hosts ng noontime show na It’s Showtime.

ADVERTISEMENT

Kilala din si Pia bilang isa sa mga paboritong endorser ng mga produkto nitong 2017.

Bukod dito isa din si Pia sa mga most-followed Pinoy personalities on social media.

Ilang beses din nag-trending sa social media ang agaw pansin na kaseksihan ni Pia sa kanyang naging bakasyon nitong nagdaang summer sa Boracay at Bali, Indonesia.

A post shared by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

A post shared by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

Nasubaybayan din ng netizens ang personal na buhay at ang makulay na relasyon ni Pia sa Fil-Swiss car racer na si Marlon Stockinger.

2017 nang pumutok ang usapan tungkol sa paghihiwalay ni Pia at Marlon na agad naman din naisaayos ng dalawa.

ADVERTISEMENT

2017 din nang ibahagi ang kwento ng buhay ni Pia sa longest running kapamilya drama anthology na Maalaala Mo Kaya, kung saan umani si Pia ng lubos na pagmamahal mula sa kanyang mga taga-hangga.

Naging maingay din sa social media ang pangalan ni Pia bilang isa inasahan ng mga Pinoy na susunod na gaganap bilang si Darna.

Bago mag tapos mag 2017 naging aktibo din si Pia sa muling pagbabalik ng Miss Universe Organization sa Pilipinas. Rumamapa si Pia kasama ang 2016 Miss Universe Iris Mitternaire at 2017 Miss Universe Demi Leigh Nel-Peters para sa isang charity fashion show.

Ngayong 2018, looking forward na ang mga taga-hangga ni Pia para sa mas marami pang proyekto na gagawin ng beauty queen bilang isang artista.

Read More:

Pia Wurtzbach

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.