Susan Roces urges fans to remember FPJ positively: ‘Let’s make him our source of inspiration’

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

Susan Roces urges fans to remember FPJ positively: ‘Let’s make him our source of inspiration’

Cristina Malonzo-Balane

Clipboard

Sa ulat ng TV Patrol, 14 years na ang nakakaraan simula nang pumanaw si Action King Fernando Poe Jr. Pumanaw siya noong December 14, 2004, ilang buwan matapos siyang mabigo sa kanyang laban para sa pagiging Presidente ng bansa.

Malapit ang puso ni “Da King” sa mga mahihirap at isinulong niya ang magandang buhay at hustisya para sa kanila.

Bilang paggunita sa kanyang buhay at pagkamatay, nag-alay ng isang misa ang mga nagmamahal sa kanya kasama na ang kanyang maybahay na si Susan Roces at anak na si Senator Grace Poe.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Susan, gusto niyang maalala ang buhay at pagkamatay ng asawa sa positibong paraan. “Ipagpapatuloy natin kung ano man ang sinumulan niya na para sa nakararami. Instead of dwelling on the negative, I would encourage perhaps being more positive. Let’s think positive and let’s make him our source of inspiration.”

Ipagpapatuloy naman daw ni Sen. Grace ang laban ng kanyang ama. “Marami pa rin tayong dapat ayusin. Nakikita naman natin yung mga dating may kasalanan sa bayan e nanunungkulan (ulit).”

Naganap ang misa at pamimigay ng tulong sa mga mahihirap sa Manila North Cemetery kung saan nakalulan ang remains ni Da King.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.