Joshua Garcia, di napigilan ang pag-iyak nang tanungin sa estado ng relasyon nila ni Julia Barretto
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Joshua Garcia, di napigilan ang pag-iyak nang tanungin sa estado ng relasyon nila ni Julia Barretto
Cristina Malonzo-Balane
Published Apr 11, 2018 08:06 AM PHT

Sa Tonight with Boy Abunda, nagsalita na si The Good Son star Joshua Garcia sa gitna ng spekulasyon kung ano na nga ba ang nangyayari sa relasyon nila ni Julia Barretto.

Nagsimula si Joshua sa pagsasabi kung bakit mag-isa siyang nagpunta sa Bali. “Dapat kasama ko si Julia niyan, pero nasa family siya ng time na yun and sinulit ko na lang yung time na yun para makapag-relax, makapag-isip-isip.”

Nilinaw din niya ang usap-usapan kung break na nga ba sila ng aktres, at kung nagkabalikan na nga ba sila. “Nagkaroon lang kami ng mga misunderstanding, pero hindi ho kami nag-break. Kung ano kami nun, ganun pa rin kami.”

Tinanong din siya kung sino si Dane sa buhay niya. Reaksiyon ng aktor ay, “Si Dane? Tito Boy, wala lang po siya. She’s just wala, wala siya sa buhay ko. Hindi siya naging parte o kahit ano.”

Nang tanungin kung kilala siya ni Joshua personally, ang sabi ng aktor ay, “No. Nag-comment ako sa kanya na…kinompliment ko lang naman yung picture e. Wala namang nangyaring conversation. Siguro kasi Tito Boy, nakahanap yung mga basher ko ng…” Sa puntong ito hindi na napigilan ni Joshua ang pag-break down at tuluyang pag-iyak. “Hindi kasi madali yung nangyari nun e… Ang daming nag-judge.”

Inamin din ni Joshua na nag-away sila ni Julia dahil sa mga naganap, ngunit naayos daw ito. “Yes Tito Boy, naayos.” Nang tanungin naman muli kung ano na ang estado nila na ngayon ni Julia, sinabi ni Joshua na, “sobrang okay namin ngayon.”

Pagpapaliwanag din ni Joshua tungkol sa pinagdaanan niya, “Siguro masasabi ko lang ngayon, masaya ako na nangyari yun. Kasi may mga natutunan ako na ingatan ko ang ginagalawan kong mundo, kasi hindi siya para sa lahat sabihin. Like for example, may gusto lang akong i-compliment, hindi ko naman flinirt. Kung flinirt ko kasi siya I would say hi, hello. Pero hindi. And siyempre nagsisi din ako Tito Boy na ginawa ko yun kasi nagalit yung mahal ko sa buhay.”

Dagdag pa ni Joshua, na patuloy ang pag-iyak, “Yes. Sinabi ko sa kanya na, siyempre I apologized for what happened and sinabi ko na challenge lang to, kaya natin tong malagpasan.”

Lumapit din diumano si Joshua sa Diyos para tuluyan niyang ma-realize kung bakit nangyari ang mga nangyari. “Nagdasal ako nun Tito Boy, kung bakit nangyari yun kasi nagtatrabaho naman ako ng maayos… di ko alam kung bakit nagyari yun pero siguro may gusto lang iparating sa akin si Lord. May gusto siya na matutunan ko. And narinig ko siya, gusto ko lang din po mai-clear sa lahat and ma-admit yung nangyari.”