EXCLUSIVE: Alexa Ilacad, mutual decision daw ang pagiging friends na lang nila ni Nash Aguas sa ngayon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
EXCLUSIVE: Alexa Ilacad, mutual decision daw ang pagiging friends na lang nila ni Nash Aguas sa ngayon
Leo Bukas
Published Apr 05, 2018 05:17 PM PHT

Ayon kay Alexa Ilacad, pareho nilang naisip ng ka-love team na si Nash Aguas na maging magkaibigan na lang muna. Mas maraming bagay daw na mas dapat bigyan nila ng focus kesa ang maging magkarelasyon.

“Kaka-18 ko pa lang, so maybe it’s just really not the right time to dive into a relationship. Kasi pareho kaming naniniwala na kapag papasok ka sa isang relationship you should have the intent of actually marrying the person.

“For me, actually it’s something I believe in. If you date someone, you should have the intent for marrying the person because if not then you’re wasting your time. Kasi if you’re just going to date tapos wala din, sayang lang yung time mo,” pahayag ni Alexa sa PUSH about her opinion sa context of dating.

Pero kahit daw ganun ang kanyang ideal set-up ng pakikipagrelasyon, tanggap naman niya na medyo mahirap itong ma-achieve.

Aniya, “But of course, hindi naman sa lahat ng sitwasyon po, eh, nasusunod yung mga wish natin, na sana ikaw na, yung first and last, ganun. Minsan hindi ka sinusuwerte, pero yon pa rin yung nilo-look ko sa future boyfriend ko.”

Eh, di ba ang mga millennials parang ang daling magpalit ng girlfriend o boyfriend?

“Yes, that’s so true. Parang, puwede ngayon gusto kita, mamaya hindi. Sad reality pero ako, naniniwala ako na meron pa rin dyan na para sa akin.

“Kahit hindi ko na siya maging first and last, basta yon yung intent ko. Na kapag dinate kita I want it to be serious, hindi yung playtime,” sambit pa ni Alexa.

Patuloy na pahayag ni Alexa, “Sa iba, para siyang fairytale na imposible, pero naniniwala pa rin ako don. Ayoko yung sasayangin niya yung oras ko para sa wala. Gusto ko may pupuntahan yung… kahit bigyan mo ako ng isang malaki at magandang learning experience sa naging relationship, okey na sa akin.”

Nakikita ba niya kay Nash ang mga qualities na hinahanap niya sa isang future boyfriend?
“Of course. Sobra siyang ano, responsible sa pamilya. Nakikita ko kung paano niya alagaan ang mommy niya, kapatid niya, lola niya. Kung paano siya nagwo-work, talagang lahat ng ginagawa niya para sa kanila, so believe ako sa kanya.

“Sobrang focused and driven siya sa priorities niya. Hindi siya nagpapatinag sa mga problems ng mundo, talagang focused siya sa family niya. And siyempre, pag nagkaroon ka ng husband ang gusto mo focused din sa family,” pagtatapos ni Alexa sa PUSH.

Read More:
Alexa Ilacad
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT