Rhed Bustamante on being a child actor: “Wag tayo po mag-eexpect masyado kasi masakit po yun.”
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rhed Bustamante on being a child actor: “Wag tayo po mag-eexpect masyado kasi masakit po yun.”
Cristina Malonzo-Balane
Published Sep 10, 2018 05:00 PM PHT

Sa ulat mula sa Rated K, bida sa defunct teleseryeng Flordeliza si Rhed Bustamante pero nagkwento siya ngayon ng mga hirap na pinagdaanan niya simula nang mawala na siya sa showbiz. “Akala ko po pag nag-artista ka marami pong mag-offer sa yo pero di po pala ganun. Hindi rin po pala ganun ka dali mag-artista po,” kwento ni Rhed sa TV host na si Korina Sanchez.

Ayon pa sa dating child star, naranasan niya at ng kanyang pamilya na mapalayas sa inuupahang bahay at magpalipat-lipat ng tirahan. Naputulan din daw sila ng kuryente. Sa ngayon, ay nagtitinda si Rhed ng pagkain kasama ang kanyang ina sa may PNR train station sa Sampaloc, Manila.

Kasama na sa pagsubok ngayon ni Rhed ang pagkakaroon ng sakit sa balat na “incontinentia pigmenti.’ Ayon sa doctor na tumingin sa kanya sa tulong ng programa, curable naman ito. Pero kapag hindi nagamot, pwede niya itong ikamatay.

Grade six na ngayon si Rhed at gusto pa rin niyang makabalik ng showbiz, para maipagpatuloy ang pag-aaral nilang magkakapatid. “Wish ko po may makatulong po sa amin para po sa pag-aaral po namin tatlong magkakapatid.”

Payo din niya sa mga child actors katulad niya, “Wag tayo po mag-eexpect masyado kasi msakit po yun pag hindi po nangyari.”

“Lagi po tayo mag-pray kay Lord,” dagdag pa niya.

Huling napanood si Rhed sa pelikula ni Erik Matti na Seklusyon, kung saan ay nominado siya bilang Best Actress at nauwi naman ang Special Jury Prize noong 2016. Napanood din siya kailan lang sa mini-series ng Wansapantaym na Gelli in a Bottle.