EXCLUSIVE: Director Joven Tan sees another ‘Joel Torre’ in Jin Macapagal’s portrayal in the musical film ‘Damaso’
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
EXCLUSIVE: Director Joven Tan sees another ‘Joel Torre’ in Jin Macapagal’s portrayal in the musical film ‘Damaso’
Leo Bukas
Published Nov 16, 2019 06:55 PM PHT

Star-studded ang musical film na Damaso na prinodyus ng Regis Films at Reality Entertainment mula sa direksyon ni Joven Tan na ipalalabas sa mga sinehan sa November 20.

Kasama sa cast ng pelikula sina Vina Morales, Aiko Melendez, Ejay Falcon, Leo Martinez, Richard Quan, Irma Adlawan, Ketchup Eusebio, Marlo Mortel, Arnell Ignacio, Ariel Rivera, Jin Macapagal at marami pang iba.

Sa ginanap na premiere night ng Damaso sa 4 na sinehan ng SM Megamall ay iisa lang ang reaksyon ng mga nakapanood – puring-puri nila ang pelikula.

“Masaya ako, siyempre. Ako naman okey, basta merong maka-appreciate masaya na ako. Siyempre, hindi naman laging ganyan, di ba, so sa akin basta gawa nang gawa, sana every time na gumagawa nag-i-improve, yon lang naman ang sa akin. Masaya and thankful naman ako,” reaksyon ng Damaso director sa papuring natatanggap ng pelikula.

Kilala si Direk Joven bilang award-winning composer being a Himig Handog grand champion for the song “Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa.” Malapit sa puso niya ang bagong pelikula dahil involved din dito ang expertise niya sa music.

“Siguro dahil merong music na involve kaya dalawa yung excitement na naranasan ko. Siyempre, iba yung gumagawa ka ng pareho mong gusto – yung kanta tapos pelikula.

“Actually, maraming nawalang music sa pelikula, 17 yan, eh, siguro mga lima yung nawala like yung solo ni Ejay, nawala na,” lahad niya.

Dagdag niya, “Pero mahirap gumawa ng musical kesa sa romcom kasi doble trabaho, eh. Siyempre magko-compose ka, ire-record mo, playback, hindi katulad ng ano na basta may chemistry yung dalawa sa romcom okey na, mas madali.”

Hindi ba mahirap pagsama-samahan ang napakaraming cast ng Damaso?
Hindi ba mahirap pagsama-samahan ang napakaraming cast ng Damaso?
ADVERTISEMENT
“Siyempre, makakalaki (sa pelikula) di ba, kung ganyan karami yung cast na kahit isang sequence lang karamihan. Basta best effort lang din. Naintindihan din naman ng producer, kumbaga sinabi ko sa kanila na eto yung ano, siyempre gusto nila to make it big kaya ito yung kapalit, siyempre kailangan nilang mag-adjust ng konti,” tugon niya.

Sa tingin ba niya handa ang moviegoers sa isang Pinoy musical movie para panoorin sa sinehan?

“Hindi natin alam, eh, kasi hindi naman ay gusto ng adobo, hindi naman lahat gusto menudo. So, nasa ano na lang yan, eh, kung gusto nilang magkare-kare na lang. Walang nakakaalam, eh. Kasi kung lahat ng producer alam yung formula walang pelikulang hindi kikita.

“Ang tendency ngayon is yung mag-try ka, malay mo makasilat, malay mo may magkagusto ko,” pahayag ng composer-director.

Malaki ang role na ginagampanan ng Bidaman winner na si Jin Macapagal sa Damaso dahil mula sa simula hanggang sa ending ng pelikula ay makikita siya. He is playing the character of Crisostomo Ibarra na kasintahan ni Maria Clara.

“To be honest, maraming kinonsider. Meron na ngang nagbigay na ng shooting days tapos biglang hindi na pala puwede kasi hindi pinayagan. So nag-isip kami na kumuha ng baguhan and surprisingly para siyang si Joel Torre dati ng Oro Plata Mata, ganun yung ano niya.

“Yung parang alam mong meron, hilaw pa pero konting push pa. Happy naman kami sa kanya kasi masipag at dedicated siya. Kapag may eksena siya hindi mo siya makakausap,” deskripsyon niya sa baguhang aktor.