Keempee De Leon, inaming ibinaling sa alak ang depression
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Keempee De Leon, inaming ibinaling sa alak ang depression
Cristina Malonzo-Balane
Published Mar 29, 2019 05:31 PM PHT

Inamin ni Keempee De Leon sa Tonight with Boy Abunda, na “almost ten years” na siyang walang girlfriend. Ayon kay Keempee, “Mas pinipili ko yung talagang seryosong relasyon na. Siguro marrying type. Going there as I age talaga.”

Nang tanungin kung totoong naging alcoholic siya at one point in his life. Ayon kay Keempee ay, “Hindi naman sobrang alcoholic. I got into a depression for two years.”

Dumating daw sa punto na ibinaling niya sa alak ang depression. “Katulad ng ibang tao, alcohol. Iinom para lang makalimot. So dumating ako sa point na ganun,” ayon pa kay Keempee.

Pero hindi naman daw umabot sa kumunsulta siya sa expert. Nahinto daw niya ang pag-inom on his own. “Alam ko po yung limitation ko,” sabi ni Keempee. Ang nakatulong naman sa kanya para ihinto ang pag-inom ng alak ay “dasal.” Ayon kay Keempee, “merong message yung pastor dun na wag nating sirain ang buhay natin. Kailangan enjoyin natin to. Kailangan sa magandang paraan. O nga no. Bakit ko ba ginagawa ito na nagmumukmok ako. I have to move on.”

Nagkuwento rin si Keempee tungkol sa anak niyang si Sam na 23 years old na daw at nasa States ngayon para sa internship.

Bigla namang naging teary-eyed at halos umiyak si Keempee nang pasalamatan niya ang ABS-CBN at mga taong nagbigay muli ng break sa kanya sa showbiz. “I want to take this opportunity. Thank you po sa ABS. Boss Roxy Liquigan, Direk Ruel Bayani… Maraming maraming salamat po. Sobra. Thank you Direk sobra. FM Reyes thank you very much Direk. Buong RSB drama unit maraming salamat po. Buong ABS-CBN salamat po sa pagtanggap po uli sa akin dito.”

Pinasalamatan din niya ang host na si Boy Abunda sa pag-guest niya sa TWBA. Mapapanuod si Keempee sa bagong Kapamilya teleserye na Nang Ngumiti Ang Langit.