The CompanY, pinangalanan ang mga bagong singers na hinahangaan nila

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

The CompanY, pinangalanan ang mga bagong singers na hinahangaan nila

PUSH TEAM

Clipboard

Masayang nagbabalik sa paggawa ng album ang isa sa mga iconic OPM groups ng Pilipinas, ang The CompanY. Sa pagpirma ng kanilang bagong kontrata sa ilalim ng Star Music PH, nakaharap din nina Moy Ortiz, Annie Quintos, Sweet Plantado, at OJ Mariano ang press para ibahagi ang pasasalamat nila sa walang sawang suportang natatanggap nila.

"We (Moy and Annie) found this group in 1985. So for us to have lasted this long… I mean, I think its easier if you’re a soloist with a great range and you look amazing. But it's almost impossible for a group to last this long, at papatulan pa ng ABS-CBN. So the blessing is not lost for us, we'll never take this for granted," pahayag ng lider ng grupo na si Moy.

Bilang mga kilala at premyado na sa industriya ng OPM, tinanong ng PUSH sa kanila kung sinu-sino sa mga bagong singers ngayon ang nag-iwan sa kanila ng magandang impresyon.

[instagramslider]

ADVERTISEMENT

Jona

"Nakakatuwa kasi ang daming magagaling kumanta (ngayon). Pero for me, ang difference na lang ay kung namu-move ako, kung ang bawat hit niya ng nota ay hindi na lang siya nagbe-belt, o hindi siya sumisigaw, pero meron siyang sinasabi sa ‘yo.

"Hindi pa [namin] siya nakaka-work pero naturuan ko na siya when I was teaching. Si Jona, kasi iba rin si Jona, when she sings, namu-move talaga ako," sagot ni Sweet, na nagkwento nang minsan niyang maka-trabaho si Jona sa isang event, at lumapit ito sa kanya para magpatulong.

Daryl Ong

Para naman kay Moy, bumilib siya sa estilo at kalidad ng boses ni Daryl Ong, kahit na hindi niya pa ito nakakatrabaho. "I think he's really special, I think it’s his time. He looks great, he sings amazing. I don't know him as a person, but in terms of musicality, it’s not just a matter of hitting the high note and how many notes he can put into the measure, padamihan ng kulot, it’s not about that.

"But he sings with heart, really. And he has a handsome voice," sabi ni Moy.

Morissette Amon

Bukod kay Daryl, isa sa mga pinagalanan nina Moy at OJ ay si Morissette Amon na para sa kanila ay nasa posisyon na sa pagiging magaling na OPM artist.

ADVERTISEMENT

"This is Morissette's decade. She is ruling the roost. She's an OPM royalty na. But it has not come easy for her, for decades she was really paying her dues. So now that success has found her, fame and fortune has found her. It’s good because it didn't come easy for her," ayon sa lider na si Moy.

KZ Tandigan and Inigo Pascual

Idinagdag naman ni Annie ang mga pangalan nina KZ Tandingan at Inigo Pascual, na ayon sa kanya ay maituturing na true artists.

"[KZ] Halimaw talaga siya. She is a true artist. Even with what she has, hindi siya nahihiyang humingi pa ng tulong.

"But going younger pa I just remember, si Inigo Pascual is very good, he can write, he can sing, he can dance, he can do a lot of things. Nanghihinayang ako sometimes na, he may be overbooked daw. Parang nasosobrahan na ang daming ginagawa. But he does come to ASAP as prepared as he can be," kuwento ni Annie.

Bilang isa rin sa mga vocal coaches sa ASAP Natin 'To, ikinuwento niya ang isang show kung saan ay nagkaroon ng pitong production numbers si Inigo.

ADVERTISEMENT

"[One] Sunday, he does seven production numbers for the whole Sunday. Because we have live show and then may taping, and he delivered. So sabi ko, 'You know you need a break.’ Wala siyang complaint, sinasabi niya lang kapag pagod na ang [boses niya]," ani Annie.

Bilib din si Moy kay Inigo, dahil sa pagiging "respectful" daw nito noong unang nagkita sila sa ASAP.

Nakatakdang maglabas ng bagong single at magkaroon ng concert ang The CompanY ngayong taon. Isa rin sa mga ka-abang abang ay ang collaboration nila kay National Artist for Music Ryan Cayabyab.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.