Rudy Fernandez, ‘magbabalik’ sa ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rudy Fernandez, ‘magbabalik’ sa ABS-CBN
Kiko Escuadro
Published Jun 26, 2019 07:40 PM PHT

Masayang ibinalita ng aktres na si Lorna Tolentino ang muling pagbabalik ni “Daboy” Rudy Fernandez sa Kapamilya network.

Kuwento ni LT sa ambush interview ng PUSH at ilang miyembro ng ABS-CBN internal media, anytime soon magsisimula nang ipalabas ang mga pelikulang naiwan ni Rudy Fernandez gaya ng, Kahit Ako’y Lupa, Pasukuin Si Waway, Anak Ng Tondo, Lumuhod Ka Sa Lupa, Victor Corpuz, at iba pa.

“Nagbabalik si Daboy sa ABS-CBN,” masayang tugon ng biyuda ni Rudy Fernandez.

Aniya, nasimulan na ang pag-uusap para sa muling pag-paplabas ng mga klasik na pelikula ni “Daboy” na itinuturing na action Prince ng Philippine Cinema kasunod ni Da King Fernando Poe Jr.

“Nag-meeting na kami ng ABS-CBN para sa mga pelikula ni Daboy (Rudy Fernandez),” patuloy pa ni LT.

“How soon? Mag start na, first time lang namin mag-meet, aayusin pa namin. Pero sure na po ‘yun,” sabi pa ni LT.

Dahil kilala ang ABS-CBN sa proyekto nitong sagip pelikula, ayon kay LT, bukas siya sa posibilidad na pag-restore din ng ilan sa mga naiwang pelikula ni Daboy.

“Meron kaming mga na-HD na (naisalin sa HD) but ‘yung restoration kasi eventually siguro, medyo may kamahalan ang pag restore kasi talaga,” pahayag pa niya.

Taong 2008, nang pumanaw si Daboy dahil sa sakit na cancer sa edad na 56 taon.