Ryle Santiago, ipinaliwanag kung bakit nagpa-tattoo ng apelido ng kanyang stepfather sa braso

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ryle Santiago, ipinaliwanag kung bakit nagpa-tattoo ng apelido ng kanyang stepfather sa braso

PUSH TEAM

Clipboard

Naungkat na naman ang paggamit ni Hashtag Ryle Santiago sa apelyido ng kanyang stepfather na si Chris Tan.

Si Chris din kasi ang nagma-manage sa career ng young actor at present sa renewal ng kanyang contract bilang endorser ng ilang produkto ng Megasoft Hygenic Products Inc.

Ayaw na nga sana pag-usapan ito ni Chris pero very open si Ryle sa pagsasalita ukol dito. Hindi naman linggid sa kaalaman ng marami na ang dating basketbolista na ang tumayong ama ni Ryle nang maghiwalay na ang kanyang ina na si Sherilyn Reyes at amang si Riley Santiago noong siya'y musmos pa lamang.

Bakit nga ba Tan ang gustong gamitin ni Ryle na surname?

ADVERTISEMENT

"Actually si Ryle he is born a Santiago and everybody knows I'm his stepfather," bungad ni Chris.

"When he was three years old, ako na ang tumayo as his father. But his real name, his full name is Ryle Santiago. Yung Ryle Tan, siya actually ang nag-start nun. Pero para wala nang confusion, Ryle Santiago na (ang ginagamit niya).

"I always tell him that's only a name, kung ano naman yun dumadaloy sa puso niya then, that's it. Nagkaroon kami ng discussion when we entered showbiz, whether gagamitin niya yun born name niya Ryle Santiago or he wants to carry my name, Ryle Tan. Sabi ko sa kanya para wala nang confusion let's use Ryle Santiago, anyway no matter what happens, you're my son," malinaw na paliwanag ni Chris.

Hindi rin napigilan ni Ryle mag-react sa issue.

"I was not allowed to carry his last name.

ADVERTISEMENT

"Kaya ako at 20 years old I want to carry his last name somewhere, none of my legal documents, none of my social media (carry his name), pinatanggal na sa 'kin ni daddy para wala nang confusion.

"So I had it tattooed on my arm para kahit somewhere buhat ko yun pangalan niya," pagmamalaki ni Ryle.

Bilang anak naman, sinabi ni Chris na mabuti at responsableng anak ang binata. Kuripot man ito sa paningin ng iba pagdating sa kanyang pera ay wise lamang daw ito pagdating sa paggastos.

"Kasi si Ryle since he started working ang responsibility niya is his phone bill tsaka yun gas niya.

"Tapos I think last year he bought his car. Hindi niya inutang he paid it in cash. yung pinambili niya ng car niya he worked for it around two years. Matagal na niya kasi (wish)... pag nasa street kami, (nagtuturo) dad maganda yan. So one day he said he wanted a Toyota 86 na 2-door. Sabi ko pag nag-taping ka maliit na kotse yan...

ADVERTISEMENT

"To be honest, not because he is my son, he is very responsible. Kuripot siya sa lahat ng tao except for me and his mom... I'm very proud to say he's a good person, not just outside, but all the time," sabi pa ni Chris.

Samantala, ibinahagi din ng It's Showtime Online host na dahil din sa contract niya sa Megasoft ay na-enganyo siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Ngayon ay nasa third year college na si Ryle sa Meridian International College at kumukuha ng kursong Filmmaking.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.