Alex Gonzaga: ‘Vlogging is the mainstream now’
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Alex Gonzaga: ‘Vlogging is the mainstream now’
Edo Daria
Published Sep 20, 2019 08:29 PM PHT

Ikinuwento ng YouTuber na si Alex Gonzaga ang naging experience niya kasama ang kapwa vlogger na si Wil Dasovich sa nakaraang YouTube Summit.
"I was there with Wil Dasovich, we were the only two Filipinos who were invited. And I was really, really happy kasi first experience ko 'yon with YouTube. And I met a lot of YouTubers abroad, from Australia, from India, from Japan," proud na kuwento ni Alex sa press matapos ang launching ng kaniyang bagong endorsment na OPPO.
Sa loob nang tatlong araw sa naturang convention, nabisita ni Alex at Wil ang Google main office sa Los Angeles, at nabigyan din sila ng pagkakataon na na-meet ang ilang mga heads ng YouTube.
"They're helping us on how to maximize our revenues, and maximize our reach to our subscribers. Para mas maging aware kami kung ano pa ang mas kayang gawin ng YouTube and puwede namin magamit in the future," pagpapatuloy ng celebrity vlogger.
Para kay Alex, malaki ang naitulong ng vlogging sa kaniyang career, lalo na sa pagtanggap ng iba't-ibang endorsement tulad ng nabanggit na brand ng smartphone.
"I really think that this vlogging is really God's gift, a great opportunity na ibinigay sa akin kasi nung nag-vlog naman ako inisip ko naman na, okay baka pa-retire na ako," pahayag niya.
Binigyang diin rin ni Alex na hindi dapat nagiging maliit ang pagtingin ng mga tao sa pagva-vlog.
"Ngayon pa rin may connotation pa rin na pag nag-vlog ka, hanggang vlog ka na lang. Kami nag-usap kami ni Wil na yun ang pinipilit namin na vlogging should not be a derogatory, vlogging should not be parang, 'Ay hanggang diyan ka na lang' kasi it's actually the mainstream now, and it's really helping you -- career rin siya talaga kasi hindi rin naman siya madali," paliwanag ni Alex.

Isa si Alex sa mga malalaking YouTubers sa Pilipinas. Sa ngayon, umabot na ng halos 4.5 million ang subsrcibers niya sa kaniyang channel.
Bukod sa pagva-vlog, nagpapatuloy pa rin si Alex sa unang career bilang artista. Mapapanood siya tuwing Sabado sa Home Sweetie Home Extra Sweet, kung saan ay kasama niya rin ang kapatid na si Toni Gonzaga.