‘They all do their stunts’: ‘Kid Alpha One’ director Richard Somes hanga kina Javi Benitez at Sue Ramirez

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘They all do their stunts’: ‘Kid Alpha One’ director Richard Somes hanga kina Javi Benitez at Sue Ramirez

Edo Daria

Clipboard

Sa loob ng limang buwan nang nagshu-shooting para sa kanilang bagong pagbibidahang action movie, nakatanggap sina Sue Ramirez at Javi Benitez ng paghanga sa batikang direktor na si Richard Somes.

Sa naganap na set visit nitong Martes, September 3, sa kanilang location sa Tanay, Rizal, sinabi ni Direk Richard na pangarap niyang ilabas ang Kid Alpha One sa international market.

“That’s the dream naman talaga [to have international release]. We have this home grown talents. Our key staff here are Filipinos, para at least when we show it to international market, we'll have a certain pride na ‘Kaya pala ng Pinoy,’” paliwanag ni Direk.

Tungkol ang pelikula sa istorya ng karakter ni Javi, isang trainee mula sa elite military forces na nagkaroon ng Acquired Savant Syndrome dahil sa isang aksidente. Ang nasabing kundisyon ay nagdulot sa kaniya ng bagong skills sa pakikipaglaban.

ADVERTISEMENT

“As I always say, ‘he’s (Javi) a revelation.’ The industry needs him na -- at least may bagong leading man na, ani Direk kay Javi, na hinahangaan niya dahil sa dedikasyon na matuto lalo na sa training ng mga fight scenes at pagpapalaki pa ng katawan.

“Imagine around four to five months ganon ang transformation niya, and so far we realize, we have this success na progression with him,” dagdag ni Direk Somes.

Ito ang magiging pinaka-unang acting project ni Javi, matapos i-launch bilang isa sa Star Magic artist ng Circle 2019 nitong March. Para sa baguhang action star, dream come true ito sa kaniya dahil ito ang pinangarap niya simula nang pumasok sa show business.

“Bata pa lang ako, I’m a huge fan of action (movies)... I’m very happy na today ang dami kong naututunan at nag-mature na ako as an actor,” sabi ni Javi sa press.

Bukod kay Javi, isa pa sa ipinagmalaki ng direktor ay ang mga gagawing stunts ni Sue para sa pelikula, tulad ng pagkahulog sa bangin, pakikipaglaban ng boxing at iba pa.

ADVERTISEMENT

“Marami siyang (Sue) gagawin dito na -- icha-challenge niya yung self niya, physically and emotionally. Kasi she'll be dealing with a lot of training.

“They’re doing all their stunts. Yun yung hats off ko sa lahat ng artista [dito],” pagpapatuloy ni Richard.

We Will Not Die Tonight (2018), Tres (2018), Yanggaw (2008), ang ilan sa mga kilalang pelikula ni Richard Somes.

Sa ngayon wala pang nakatakdang date kung kailan ipapalabas ang Kid Alpha One.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.