Iyah Mina, nagbigay ng reaksyon sa opinyon ni Ai-Ai Delas Alas tungkol sa same-sex marriage | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Iyah Mina, nagbigay ng reaksyon sa opinyon ni Ai-Ai Delas Alas tungkol sa same-sex marriage

Iyah Mina, nagbigay ng reaksyon sa opinyon ni Ai-Ai Delas Alas tungkol sa same-sex marriage

Edo Daria

Clipboard

Nagbigay ng kaniyang reaksyon ang transwoman actress na si Iyah Mina sa naging opinyon ni Ai-Ai Delas Alas tungkol sa same-sex marriage.

"May kaniya-kaniya silang opinyon, wala namang problema sa akin, pero until when?" sabi ni Iyah sa interview ng press, pagkatapos ng blogger's conference ng "Story of My Life" digital series, nitong Biyernes, January 10.

Bilang kasapi ng LGBT community, aminado si Iyah na dismayado siya sa huling desisyon ng korte suprema na pagbasura sa petisyon na isabatas ang same-sex marriage sa bansa.

"For me parang huling huli na ang Pilipinas e. Nakaka disappoint na parang kami, sa LGBT community, we're fighting sa lahat ng diskriminasyon, marami na kaming [pinagdaanan]. Konting tulong na lang, konting pang-unawa ang kailangan, yun na lang," ani Iyah.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ng "Mamu" actress, "Opinyon 'yon ni Madam Ai-Ai, wala namang problema, nasa sa kaniya naman 'yon."

Maaalalang naging mainit na usapan sa social media ang hindi pag-pabor ni Ai-Ai sa same-sex marriage. Dito sinabi ng komedyante na bagamat mahal niya ang mga kaibigang LGBT, pinipili niyang hindi dumalo sa mga nang-iimbitang kasal ng same-sex couples.

Isa si Iyah sa cast ng dalawang iWant digital series na "Story of My Life" at "My Single Lady". Kasalukuyang bukas na sa streaming ang "Story of My Life", habang mapapanood naman ang "My Single Lady" sa January 23.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.