Allan Paule, inalala ang mga indecent proposal na natanggap dahil sa ‘Macho Dancer’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Allan Paule, inalala ang mga indecent proposal na natanggap dahil sa ‘Macho Dancer’

Leo Bukas
Published Nov 02, 2020 09:07 PM PHT

Aminado si Allan Paule na pagkatapos niyang i-launch sa classic film ni Direk Lino Brocka na Macho Dancer noong 1988 ay nakatanggap siya ng maraming indecent proposals mula sa mga bading.

Pagre-recall ng aktor, “Oo meron, pero di ko na rin halos matandaan.”

Wala rin daw nagtagumpay na bading para maibahay siya noon kahit inalok siya ng house and lot at kotse.

“Sana mayaman na ako ngayon,” sabi pa niya. “Inalok ako ng house and lot tsaka kotse, pero ayoko,” kuwento pa niya.
“Sana mayaman na ako ngayon,” sabi pa niya. “Inalok ako ng house and lot tsaka kotse, pero ayoko,” kuwento pa niya.
ADVERTISEMENT
Wala rin daw pagdadalawang isip sa kanyang part na patulan ang offer.

“Hindi, eh. Kasi may mga nababalitaan kami noon na kapag tinago ka na at nasa kanya ka na, hindi ka na makakaalis. Eh, siyempre gusto ko pang mag-artista. Hindi naman sa ano ha, pero gusto ko lang talagang magtrabaho para sa sarili ko,” paliwanag ni Alan.

Halos tatlong dekada na rin sa showbiz si Alan pero nananatili pa rin siyang visible sa telebisyon at pelikula. Ano ba ang sikreto kung bakit tumagal siya sa industriya?

“Patience. Patience is a virtue,” sagot ni Allan. “Siguro yung pagpapasensya sa trabaho at saka yung pagmamahal, kung mahal mo talaga yung trabaho mo.

“Sabi nga ni Tito Eddie (Garcia) nung nabubuhay pa siya, kapag hindi siya nakakapagtrabaho lalo siyang manghihina. So, siguro yon yung nagiging sakit ng mga artista kaya, di ba kahit na alam mong indie lang o ano tinatanggap na lang.

“Kahit na pamasahe na lang o pang gasolina yung TF tinatanggap pa rin kasi mas gusto naming umaarte. Do’n namin nadadaan yung kumbaga do’n namin nailalabas kung anuman yung stress sa buhay,” katwiran ni Allan.

Samantala, gagawan ng sequel ang pelikulang Macho Dancer na nagluwal sa career ni Allan Paule. Pinamagatang Anak ng Macho Dancer, ito ay pagbibidahan ng baguhang aktor na si Sean de Guzman mula sa direksyon ni Joel Lamangan and produced by God Father Films.

Aminado si Allan na nung makita niya si Sean sa presscon para sa cast ng pelikula ay nagulat siya na meron talaga silang pagkakahawig.

Biro pa ng aktor, “Hindi kaya anak ko siya kasi De Guzman din ang apilyedo niya, eh, De Guzman din ako, di ba?”

“Pero mukhang okey naman siya. Yung rawness at pagkainosente ko nung 1988 nakita ko sa kanya. At ang sabi, magaling daw talagang sumayaw yung bata,” pahayag pa ni Allan.