Sheree, napa-throwback sa kaniyang pagsisimula bilang Viva Hot Babes

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sheree, napa-throwback sa kaniyang pagsisimula bilang Viva Hot Babes

PUSH TEAM

Clipboard

Sa Radio program ng Monster Radio RX 93.1, muling binalikan ng singer at sexy actress na si Sheree ang naging simula nang kaniyang career bilang miyembro ng all female sexy novelty group na Viva Hot Babes.

Isa noon si Sheree sa mga kilala at hinangaan dahil sa kaniyang kaseksihan kasama ang mga miyembro na sina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Jen Rosendahl, Gwen Garci, Hazel Cabrera, Myles Hernandez, at Kristine Jaca.

โ€œWhen I was in Cagayan de Oro and in the US, I had a band. Kumakanta talaga ako sa banda, sa hotels, sa mga lounge. I got discovered by Patricia Javier kasi nagkaroon sila ng show sa Cagayan de Oro,โ€ kuwento niya sa panayam ng radio program.

โ€œShe saw me there kasi, I was one of the front acts of the show,โ€ sabi pa ni Sheree.

ADVERTISEMENT

Kuwento ni Sheree, isa noon sa plano ni Patricia Javier ang magtayo ng sariling management team.

โ€œFrom that time, dinala ako ni Patricia Javier dito [sa Manila] and I auditioned for theater. Nag-theater ako for a while, 'Little Mermaid.' Nagtuloy-tuloy na 'yun,โ€ sabi pa ni Sheree.

Kasunod nang mga theater works noon at pagsisimula sa pag-post sa mga sexy magazine, naging daan umano iyon para makilala siya ng Viva executive Vic del Rosario.

โ€œThey were looking for a singer for a group. Ako 'yung nilagay nila doon. I am very thankful na I was given a chance na mapunta sa tamang direction,โ€ throwback pa niyang kuwento.Dahil sa sexy image ng grupo noon, aminado si Sheree na malaking adjustment ang kaniyang ginawang paghahanda.

โ€œSa totoo lang, sa lahat ng Hot Babe at that time, ako 'yung pinaka-conservative kasi I came from a very conservative family. Hirap na hirap ako magtanggal ng damit at that time.โ€

ADVERTISEMENT

Aniya: โ€œSa lahat talaga ako 'yung pinakatakot magtanggal ng damit. Ewan ko kung anong nangyari. Nung nagtagal na, parang natanggap ko na. Ngayon, okay na okay na sa akin,โ€ patuloy niya pa.

At kahit na ilang taon man ang lumipas, thankful pa rin si Sheree sa big break na natanggap bilang isa sa mga Viva Hoy Babes.

โ€œIโ€™m very thankful kasi hanggang ngayon, nandiyan pa rin sila. Kung hindi dahil sa kanila, wala kami dito,โ€ pahayag pa ni Sheree.

Ang Viva Hoy Babes ang nagpasikat ng mga awiting โ€œBulalakโ€, โ€œKikayโ€ at โ€œBasketballโ€.Sa ngayon, patuloy ang self-discovery ni Sheree bilang isang pintor, songwriter, at pole dancer.

Huling napanood si Sheree sa matagumpay na ABS-CBN show na Kadenang Ginto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like youโ€™re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.