EXCLUSIVE: Marion Aunor has a new image for 2021 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
EXCLUSIVE: Marion Aunor has a new image for 2021
Leo Bukas
Published Jan 06, 2021 07:24 PM PHT

Pagkatapos maging Star Music artist ay nasa pangangalaga na ngayon ng Viva Artists Agency (for Viva Records) ang singer-songwriter na si Marion Aunor. Nagsimula ang singing career ni Marion nang manalo siyang third place sa Himig Handog P-Pop Love Songs noong 2013 para sa kantang “If You Ever Change Your Mind” na siya ang interpreter at composer.

“Nag-start po ako sa Viva nung 2018. So far I’m happy sa mga nangyari sa career ko with Viva. That’s when I started composing Tagalog songs and nagamit din po sa mga blockbuster films like The Day After Valentines (Akala), Just A Stranger (Delikado), Never Not Love You (cover of ‘Sana’), etc. Right now my song ‘Akala’ is at 25M streams on Spotify,” simulang kuwento sa amin ni Marion sa interview via Messenger.

Dahil apektado ng kasalukuyang pandemic dahil sa COVID-19 ay natigil ang mga gigs ni Marion. Dito niya naisip na i-revive ang kanyang YouTube channel at mag-release ng mga covers weekly na palaging patok sa netizens.

Lahad niya, “Since wala pong live shows ngayon, lahat ng gigs and guestings halos online na po. That’s when I decided to revive my YouTube channel (Marion Aunor Official). Naging busy rin po ako sa pag-release ng covers weekly with the help of Viva’s Oomph TV and Aunorable Productions (music and video production ng sister ko na si Cool Cat Ash).

“Nag-start po siya nung may nag-request po sa akin na mag-cover ng ‘Harana,’ then mukhang nagustuhan naman po siya nung pinost ko online. So tinuloy-tuloy ko na po.”

Anu-anong songs ba na ginawan niya ng cover version ang kanyang naging favorite?

“Favorite ko po na cover ko is yung ‘Feeling Good’ ni Nina Simone and yung latest ko po na ‘Here Comes the Sun’ by The Beatles. Nagustuhan ko rin po yung Christmas collab namin ni Sir Janno Gibbs na ‘Baby It’s Cold Outside,’ sagot niya.

Ang iba pang kantang ginawan ng cover version ni Marion ay ang “Harana” (Parokya Ni Edgar), “Huwag Na Lang Kaya” (True Faith), “Teka Lang” (Emman Nimedez), “Pumapatak Ang Ulan” (Apo Hiking Society), “O Lumapit Ka” (Ella del Rosario), “Simply Jessie”(Rex Smith), “Fly Me to the Moon” (Frank Sinatra), “Feeling Good” (Nina Simone), “Ikaw Pa Rin” (Tito Mina), “All My Loving” (The Beatles), “The Christmas Song” (Nat King Cole), “Santa Baby” (Eartha Kitt), “Christmas in Our Hearts “(Jose Mari Chan) at ang “Here Comes the Sun” ng The Beatles.

Kapansin-pansin sa ilang music video ng mga cover songs ni Marion ang sultry image ng singer. Ito na ba ang bago niyang image na ipo-project ngayong 2021?

“Hindi ko naman po plan na gawin yun, ang magpa-sexy. Hahaha! Binagay ko lang po yung image ko sa mga songs na kinakanta ko. Basta based on my music po lagi kung ano yung looks ko,” paliwanag ni Marion.

Ngayong 2021 ay magpo-focus muna si Marion sa paglikha ng mga bagong kanta para sa single release o kaya’y OST ng mga shows or films ng Viva.

Si Marion ay anak ng dating member ng Apat Na Sikat noon sa showbiz na si Maribel “Lala” Aunor. Other members of the group are Arnold Gamboa, Dondon Nakar, and Winnie Santos.

Read More:
Marion Aunor
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT