Xian Gaza, pinabulaanan na maaaring makasuhan dahil sa ipinagawang billboard para kay Jennie ng BLACKPINK | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Xian Gaza, pinabulaanan na maaaring makasuhan dahil sa ipinagawang billboard para kay Jennie ng BLACKPINK

Pao Apostol

Clipboard

Denepensahan ni Xian Gaza ang kanyang sarili matapos mabatikos dahil sa ipinagawa nitong billboard para sa BLACKPINK member na si Jennie.

Usap-usapan ngayon sa social media ang ipinagawang billboard ni Xian kung saan inaya nito ang miyembro ng BLACKPINK na si Jennie sa isang dinner.

Matatagpuan ang nasabing billboard sa 62, Noksapyeong-daero 11-gil, Yongsan-gu, Seoul, Republic of Korea.

Ani Xian, “ultimate crush” niya si Jennie.

ADVERTISEMENT

“Kim Jennie Ruby Jane, you are my ultimate crush. ‘Can I take you out to dinner’ and make me the happiest man alive?” saad ni Xian sa mensahe niya para kay Jennie.

Dahil hindi umano niya alam kung paano makokontak si Jennie. nagdesisyon siya na malapit sa headquarters ng YG Entertainment niya ipapalagay ang billboard nito.

“I don't know how to contact her kaya pina-billboard ko na lang sa puso ng South Korea, few kilometers away from BLACKPINK's YG headquarters. I hope she will say YES,” ani Xian.

Samantala, naglabas naman ng open letter si Xian para sa mga kapwa niya umano Blinks o fans ng BLACKPINK matapos itong makatanggap ng sunod-sunod na pambabatikos.

“Magiging mali lamang ito kung ang taong pina-billboard mo ay isang pribadong tao dahil inilagay mo sa spotlight ang kanyang buhay at pagkatao without his/her consent,” ani Xian.

ADVERTISEMENT

“Our idol Jennie Kim of BLACKPINK is a global artist known by more than 200 million people around the world. A billboard proposal is necessary kung gusto mong magpapansin sa isang tao na kagaya niya,” dagdag pa nito.

“By putting up this dinner date billboard in the very heart of South Korea, wala akong inagrabyado o inapakang tao. Magagalit o maiinis ka lamang sa 'kin kung isa kang fan ng BLACKPINK tapos hindi mo afford ang milyones na billboard sa Seoul kasi ayaw mo yung feeling na mas malaki ang chance ko sa ‘yo na mapansin ng ating idolo,” pagpapatuloy pa niya.

Ani pa ni Xian, sana umano ay maging masaya na lang ang mga tagahanga ni Jennie sa kanya.

“Imbis maging masaya ka at suporta ang iyong ibigay sa kapwa mo ‘Blink’, ang pinairal mo ay negativity dahil wala kang capacity na gawin yung nagawa niya para sa idolo niyo. Have a great day,” ani Xian.

Pinabulaanan naman ni Xian na maaari siyang makasuhan dahil sa kanyang ginawa.

ADVERTISEMENT

Ani Xian, hindi umano basta-basta nakakapaglagay ng billboard kung walang permit mula sa lokal na gobyerno ng lugar na paglalagyan nito.

“Sa lahat ng Pinoy haters ko sa South Korea na nagpapakalat ng fake news na maaari daw akong makasuhan at ma-blacklist nang dahil sa billboard proposal ko for Jennie, let me tell you this... listen carefully. Lahat ng advertisements sa mga pampublikong lugar ng Seoul ay kailangan ng permit mula sa kanilang local government,” ani Xian.

“Two weeks ago, nag-submit kami ng application at sila'y sobrang na-shookt because this billboard of mine daw ay very first of its kind in Korean history! Ang kauna-unahang billboard date proposal sa kanilang bansa ay gawa ng isang foreigner... ang lahi ay Pilipino. Pinoy pride!” dagdag pa niya.

“Wala daw akong nilabag na batas dahil hindi ko inilagay sa layout ang imahe ni Jennie. Boom approved! Permit released!” sambit pa ni Xian.

Sa isa pang post, denepensahan din ni Xian ang kanyang sarili sa mga nagsasabi na isa umano siyang clout chaser at attention-seeker.

ADVERTISEMENT

“Sa lahat nang nagsasabi na ako daw ay isang clout chaser, diyan po kayo nagkakamali dahil si XIAN GAZA ay isang CLOUT MAKER. Kaya niyang gawin na malaking issue ang isang bagay from scratch kagaya na lang ni Rudy Baldwin, Aljur Abrenica, Kylie Padilla, AJ Raval, at marami pang iba. Hindi niya kailangang maki-ride sa isang issue dahil siya mismo ang gumagawa ng mga Isyus,” aniya.

“Kung tatawagin niyo po akong ATTENTION-SEEKER eh wala na akong mase-say pa dahil totoo naman na isa akong KSP narcissist ever since. Doon naman sa mga nagpapalaganap na isa akong convicted scammer, huwag na kayong mag-effort pa dahil nakalagay na lahat-lahat sa caption ng profile picture ko in Hangul Korean alphabet. As a matter of fact, ang English translation ng pinakaunang salita sa caption ay ‘SCAMMER,’ dagdag pa niya.

Hindi ito ang unang beses na nagpagawa si Xian ng billboard para sa kanyang hinahangaang artista. Ginawa niya rin ito noon kay Erich Gonzales.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.